“OMG. Oh My God, Erin. This is not a good idea!” May pagpigil sa braso niya si Alicia, halatang nag-aalala sa gagawin niya. “Trulity! Wiz ka na sumugod doon!” dagdag ni Loisa, halatang excited pero concerned din. Tumigil siya at nakangiting hinarap ang dalawang kaibigan. “Wag kayong mag-alala. Hindi ako gagawa ng eksena,” sabi niya, kahit may halong tensyon sa boses. Nagkatinginan ang dalawa. Tumahimik. Hinayaan na siyang sumugod. Hindi nagkakamali si Loisa. Nandoon nga ang walanghiya. Nakikipagtawanan pa sa babaeng kasama nito. Hindi agad niya nakita ang mukha ng babaeng kausap nito, pero nang pumwesto na siya sa isang sulok, gayon na lang ang pagkagulat niya. Dahil ang babaeng kasama ni Daniel ngayon ay ang mismong babaeng nakita niyang kaharutan nito sa lobby ng Sad Girl Club Build

