KUNG may susunod kay Kris Aquino sa pagiging horror queen, si Alicia Keps na ‘yon. Binasag nito ang katahimikan ng gabi sa pang-horror movie na tili nito. “O-M-G, bes naman. OH MY GHAD!” Maarte ang tili pa ng kaibigan. Tatalunan nito ang sound system ng sariling bar. Gusto na niyang pasakan ng pouch niya ang bibig nito, ngunit nahihirapan siyang hilahin sa sobrang tili. “Tangina naman ‘to, eskandalosa ka rin ng taon eh,” reklamo niya, pero may halong tawanan. Nandoon sila sa parking area, sa eksaktong lugar kung saan humagalpos sa mga nananahimik na halaman ang resulta ng pagpapakalasing niya. Tinampal siya ni Alicia. “Bakit ka naman kasi nagpakabangelya?! Look! You ruined my Dior heels!” “Gaga, di ko naman sinasadya na natalsikan ‘yan. Baki kasi mo pa ko binitawan?” sagot niya, napapa

