"BAKIT ka nagmumokmok d'yan?" Ang boses ni Mary Jane ang pumutol sa mga naglalangoy na pangamba at namumuong hinala sa isip niya. Umupo sa harap niya si Mary Jane, at nilagyan nito ng alak ang baso niya. "Bakit hindi ka nagsasaya? Hindi ka sumali kina Alicia at Loisa." Umiling si Erin, pilit na ngumiti, ngunit ramdam niyang bahagyang namumutla ang mukha niya. "Later na ako, MJ." "Wala sa mood?" "Yeah, and stress," mahinang wika niya, halos napapailing sa bigat ng mga iniisip. "Gurl, you're here to have fun. Saka mo na isipin kung sino man 'yang pinoproblema mo. Girls night natin 'to, eh," sabi ni Mary Jane, parang nakakaalala siya sa rason kung bakit sila nagsasama-sama tuwing Biyernes. Every Friday night, nagkikita-kita ang mga members ng Sad Girl Club sa Purple Haus, kung saan ipi

