Chapter 35

1259 Words

"SINO 'YON?" mababa at mapanganib ang boses ni Daniel. Hindi rin nakaligtas kay Erin ang panunumbat sa tono ng lalaki. Nasa loob na sila ng kotse nito at nagda-drive para sabay na maglunch. Hindi maipinta ang mukha ng binata. Parang magbubuga ito ng apoy sa bawat titig na inihahatid ng kanyang mga mata. "Si Vin," sagot niya, bahagyang may halong biro at nakangisi, ngunit alam niyang may epekto sa lalaki ang simpleng pangalan. "Vin who?" singit ni Daniel, halata ang pagtatangkang kontrolin ang sariling emosyon, ngunit ramdam ni Erin ang init na unti-unting pumapalibot sa loob ng kotse. "Vincey," pang-aasar niya, may bahagyang kilig sa boses. Napamura ang lalaki sa ilalim ng hininga, at pinigilan niyang mapahalakhak. Pinukol siya nito ng matalim na tingin, halos tumalon ang puso niya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD