Hindi niya maiwasang mapangiti habang nakatingin kay Daniel. "Napatahimik ka d'yan? Nawalan ng sasabihin?" Bahagya itong napaawang ang labi, halatang nainis pero pinipilit pa ring magpigil. “Makakapagsalita pa ba ako? Pinuputol mo na bago ko pa matapos.” She chuckled softly, pilit niyang itinago ang kilig na bigla na lamang dumaloy sa dibdib niya. Parang gusto niyang kurutin ang pisngi nito—isang simpleng kilos na noon pa man ay nahihiya siyang gawin dahil baka isipin nitong childish siya. Pero ngayon, ang lapit nila sa isa’t isa, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, at ang init ng katawan nilang magkalapit, halos mapilitan na siyang gawin iyon. "Why are you really here, Daniel?" tanong niya sa tono ng pagdududa. Gusto niyang marinig mula mismo sa bibig nito, hindi puro hula, hindi pur

