ANG PAG-IBIG ay parang isang laro. Kung gusto niyang manalo sa isang laro, kailangan niyang sumugal. She need to take a risk. Kahit masaktan man siya sa gagawing pagsugal, ang mahalaga ay sinubukan niya. Kaya sumugal siya. Sumugal siya kahit alam niya na malaki ang tsansang matalo siya sa huling round. At hindi nga siya nagkamali. Tumanggi si Daniel. As expected. Magiging ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi siya nadismaya. Kahit pa sabihing handa siya, kahit pa kunwari’y wala siyang inaasahan, hindi niya maitatanggi na kahit paano ay umasa siya. Umasa siya na papayag ang binata sa kondisyon niya. Umasa siya na baka, baka lang, makita nito ang halaga niya lampas sa kama. Pero hindi. Nakumpirma lang niya ang hinala. She just wanted to test him—at hindi siya nagkamali. He just lik

