Chapter 54

1398 Words

"Ikaw lang ang iniisip ko." Mahina pero matatag ang pagkakasabi ni Daniel habang hinihigop niya ang kape niya. Nakatingin siya kay Erin na parang may gustong patunayan—o baka humingi ng tawad. Hindi kumibo si Erin. Pinakinggan niya lang ito, pinigilan ang sarili na mag-react agad. Alam niyang delikado. Isang maling kilos at baka bumigay siya muli. "Kagagaling ko lang sa isang relasyon," simulang paliwanag ni Daniel. May bahid ng pag-aalangan ang tinig nito, pero may diin pa rin. "I don’t want you to feel you’re just a rebound." Napasinghap si Erin. Napahinto siya saglit, saka tumawa nang mapait. "Hindi pa ba rebound ’yong no label relationship natin?" Tumingin ito diretso sa mata niya, matigas ang panga, parang pinipilit pigilan ang emosyon. "No." "Tiim-bagang sagot ’yon, ha?" sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD