1
"What did you do to me, Andy?"
"I'm not gonna take you just yet."
"I'll wait until you are ready, Andy."
- - - - - -
Hindi ako bakla. Pero anong ginagawa ko dito sa bahay ng lalaking 'to? Nasaan 'yong babaeng pinag-hirapan ko kanina sa bar? Higit sa lahat, bakit nakahiga ako sa kama niya? Lalong nanakit ang ulo ko nang itinaas ng lalaki ang t-shirt ko hanggang leeg ko.
"P-Putangina mo, 'Tol. Payat lang ako, pero 'pag sinapak kita, sabog 'yong mukha mo!" Inambahan ko siya ng sapak, pero nahilo ako bago ko pa man mapatama ang kamao ko sa mukha niya.
Hindi ko nakikita ang mukha niya sa hilo. Dahil ba 'yon sa gamot na ipinalunok niya sa 'kin kanina? Ewan. Pero parang wala akong lakas, lalo na nang hinawakan niya ang magkabilang pulso ko at idiniin sa kama.
"What did you do to me, Andy?" Mababaw ang boses na ginamit niya. Pati, may mainit sa pisngi ko. Labi niya ata.
"Nabakla na ako sa 'yo." Patuloy niyang sinabi habang naramdaman ko pa din ang mainit na iyon sa pisngi ko. Oo nga, labi nga niya. Hinahalikan ako.
Sa pag-laban ko sa pagkaka-diin niya sa 'kin sa kama, lalong tumindi 'yong hilo. Pakiramdam ko, tumutulo na ang laway ko sa sobrang sakit ng ulo ko. Dinilaan pa niya ang gilid ng bibig ko.
"Hmmm." Hindi na gilid kundi mismong bibig ko na ang sinalakay ng dila niya. Para siyang umiinom mula sa bibig ko.
"I'll wait until you are ready, Andy." Binigyan niya ako ng isang madiing halik sa labi matapos niyang galugadin ng dila ang buong bibig ko.
"I'm not gonna take you just yet."
'Yon ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.
-
Panaginip?
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. This is my room. And there is nobody else here.
Oo nga, panaginip.
First time ko managinip ng ganoong karealistic. Damn.
Sinubukan kong tawagan si Hakob, 'yong kaibigang kasama ko kagabi sa bar, para alamin kung anong nangyari.
"Ah... sabi mo, ikaw na uuwi mag-isa gawa ng nag-take home ako ng chicks kagabi. Diba?" Paliwanag nito sa kabilang linya.
Ah, oo. Tanda ko 'yon.
"Bakit mo natanong? 'Di mo tanda? Hindi ka naman masyadong lasing kagabi, ah."
Hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko. Kinapa ko ang sarili ko at wala namang nawalang gamit, pati walang masakit sa 'kin. 'Yong suot ko pa rin kagabi ang suot ko ngayon.
Ipinagsawalang-bahala ko na lang at nagpaalam na sa kanya. Kailangan ko pang gumayak dahil bubuksan ko pa ang cafe.
Sa pagbangon ko, doon ko naramdaman 'yong parehas ng sakit ng ulo ko kagabi sa panaginip. Hindi na kasing tindi ng kagabi, pero parehas. Hindi ko nalang pinansin, siguradong maaalis 'yon ng kape.
-
"Ok lang po kayo, Sir Drew?" Tanong ni Amalia pagkahatid niya sa 'kin ng ikatlong kape ko for today.
"Yeah. Just... a terrible headache." Ngumiti ako at nagpasalamat sa kape.
"Kung gusto niyo po, umuwi nalang kayo. Hindi naman po kailangan madaliin ang delivery request dahil hindi pa naman sila ubos. Bukas niyo nalang asikasuhin 'yan." At kinuha na nga ni Amalia ang papel na nirereview ko.
"Ayaw mo bang tulungan kita dito?" Hinilot ko ang ulo ko.
"Dadating naman si Tobi mamayang tanghali, Sir. Tsaka 'di ka naman nakakatulong ngayon, e. Intindihin pa kita dahil sa pagpapatimpla mo ng kape."
Napakamot ako ng ulo sa tabas ng dila ni Amalia. Sometimes, she speaks to me as if I'm not the boss. Pero mas gusto ko naman 'yon kaysa sa masyado siyang magalang. Nakakailang.
"Fine." Ngumisi ako sa kanya para itago ang hilo ko, at tumayo na ako.
Humiling ako kay Amalia na itawag niya ako ng taxi dahil wala akong dalang kotse. Gawa ng sakit ng ulo, hindi ko kinayang magmaneho kanina papunta dito.
Saglit lang ang hinintay ko, at nandyan na ang taxi. Matapos kong kumpirmahin na wala nang kailangan si Amalia, sumakay na ako. Agad kong inisnandal ang ulo ko sa upuan. Nakaramdam kasi agad ako ng pag-susuka.
Man, this is getting worse.
Pumikit nalang ako ng madiin at huminga ng malalim. Nagpasalamat akong hindi ako binati ng driver dahil pakiramdam ko, 'pag nag-salita ako, baka masuka ako ng tuluyan.
Kahit hilo, napansin ko pa rin matapos ang 20 minutong byahe na parang iba ang tinatahak naming daan. Tumingin ako sa labas at nakitang hindi na nga pamilyar sa akin ang dinadaanan namin.
Sinubukan kong kausapin ang driver na naka-itim na face mask.
"K-Kuya, ibang ruta ata itong--" Tinakpan ko ang bibig ko dahil parang umakyat na sa lalamunan ko ang ininom kong kape kanina.
Hindi ako sinagot ng driver kahit pa sinusulyapan niya ako sa rearview mirror gamit ang matalim niyang mga mata. Sa halip, may inadjust siya sa AC ng kotse.
Lumakas ang buga ng hangin, nangilabot ako hindi lang dahil sa lamig kundi dahil din sa kaba at takot. Maya-maya lang, nag-dilim na ang paligid.