Nakipagkita ako kila Kaye ngayong umaga. Maaga akong gumising para nakipagkita sa kanila at para makausap sila ng wala si Ashton. Alam din nila Ezekiel ang nangyayari.
"So ano nang plano mo?" tanong ni Laila.
"Hindi ko pa alam." Malungkot na sabi ko. "Last day mo na siyang makakasama ngayon." sabi naman ni Kaye. "Kaya nga. Ang bilis ng araw."
"Hahayaan muna namin kayong magsamang dalawa." Sabi ni Charles. "Salamat guys." Ang supportive nila sakin sobra.
"Wala yun." Ani naman ni Ezekiel.
Nagkaasaran lamang ng kaunti para malift ang mood namin ng tumawag si mommy. Lumayo ako ng kaunti sa kanila dahil ayokong makita nila ang reaction ko if ever may masabi si mommy sakin.
"Mom?" Bungad ko.
"I'll pick you up later tonight. Nagawa pa ako ng paraan para makatakas sa daddy mo."
I nodded kahit na hindi naman niya ako nakikita. "I'll update you later kung anong oras. Are you enjoying there?"
"Yes, mom. I'll see you later then."
Natahimik siya, ganun din ako.
"Did you two have s*x?" Halos masamid ako sa sarili kong laway,
Mommy never asked me question like this so I am surprise. I heard her laugh. "Just making sure na walang mabubuo sayo."
"No, mom. Wala kaming time for that, pare pareho kaming pagod sa mga activity pagdating ng gabi kaya nakakatulog agad." Pagsisinungaling ko.
Sigurado akong walang mabubuo saakin dahil may contraceptive akong iniinom plus we used condom, recently lang hindi pero hindi ko naman namimiss ang pag inom.
Narinig ko ang boses ni daddy sa background. "I'll text or call you again later. Take care honey." Iyon ang paalam ni mommy bago naend ang call.
"Anong sabi ni Tita?" Tanong ni Kaye ng makabalik ako sa kanila.
"Susunduin niya ako mamaya, just to make sure na uuwi siguro talaga ako sa kanila." Sinamahan ko ng tawa para hindi awkward ang dating. Ayoko silang malungkot para samin.
Nag uusap usap kami ng biglang may nagsalita na ikinagulat namin.
"Kayo ha. Nakukwentuhan kayo ng wala ako." Untag ni Ash na nagpatalon samin sa gulat.
"Kanina ka pa dyan?" Gulat na tanong ko. "Hindi naman. Bakit parang gulat na gulat kayo?"
"Wala naman, bro."
"Mauna na kami." Sabi ni Kaye at umalis na silang lahat kami lang ni Ashton ang natira.
This is the last day tumabi sakin si Ashton at magka holding hands kami.
"Ash?"
"Uhm?"
"I love you,"
"I love you too, Zea." Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at natahimik na kami habang pinagmamasdan ang dagat. Maya maya kumalam na ang sikmura ko at un ang bumasag ng katahimikan.
"Gutom ka na?" Tumango lang ako at niyaya na niya akong kumain. "Asan sila Charles?"
"Nauna na ata ung mga yun kumain." Tumango na lang siya at tinuloy ang pagkain niya.
Pagkatapos namin kumain umalis na kami dumiretso kami sa kwarto namin naligo at nag ayos. I wear a simple white summer dress at nasa loob nuon ang swinsuit ko.
Lumabas na kami ng kwarto. Nagdecide kami na gawin pa ang ilang activity na hindi namin nagagawa together. Nang pareho kaming napagod ay naupo muna kami sa may dalampasigan.
"Mamimiss ko ito," Halatang nagtaka siya sa sinabi ko.
"Huh? Eh pwede naman natin tong ulitin." Ngumiti lang ako at pinatong ulit ung ulo ko sa balikat niya. Maya maya niyaya ko na siyang mag try ng mga activities.
"Wag mo na lang sila pansinin." Nahalata niya atang hindi ako komportableng nasa amin ang atension. Hindi ko na nga lang sila pinansin, ng maya maya may lumapit ulit saamin na mga babae.
"Can we take a picture with you?" Paulit ulit nilang tanong.
Naiinis na ako sa mga babae na 'to. Paulit ulit yun nangyari hindi nauubos ung nagpapicture kasi nadadagdagan sila. Sa inis ko tinignan ko na sila, akala mo naman artista yung kasama ko.
"Pwede ba. Hindi niyo ba nahahalatang naiistorbo niyo kami?" Kaya natigilan silang apat sa pag tawa.
Nakita kong nagulat din si Ashton. "I'm sorry. Looks like my girlfriend is not agreering with you guys."
"Sorry po." Sabi nila at nagsialisan na sila.
Salamat naman. Tss!
"That's my girl." Untag ni Ash pagkaalis nung mga babae. "I am waiting for this day to happened nuong mga nakaraang araw pero napayag ka lang." He pout kaya umiwas ako ng tingin dahil natatawa ako.
Nang makabawi ay inirapan ko lang siya ng pabiro. Totoo namang naiistorbo nila kami kasi last day na namin ang kakasama tapos iistorbohin pa nila ang oras namin.
Wala na ako sa mood kaya niyaya ko na si Ash bumalik sa kwarto namin. Pagdating namin sa kwarto namin niyakap ako agad ni Ash. "Uhm.. Ashton bakit?"
"Wala lang. Pakiramdam ko kasi mawawalan ka sakin." Kung alam mo lang Ash.
Naiyak na lang ako at naramdaman niya atang naiyak ako kaya hinarap niya ako. "Bakit ka na naman umiiyak?" Nag aalalang sabi niya at pinunasan ang luha kong patuloy ang agos sa aking pisngi.
"Wala. Masaya lang ako dito." tumawa lang siya ng mahina
"Paano.. pag nawala ako?" Nagulat siya sa tanong ko. "Aalis ka ba? Bakit ganyan ka? Nung isang araw ka pang ganyan saakin. May problema ba? Nandito tayo para magsama hindi para makita kang umiyak." I chuckled at niyakap na lamang siya.
Nandito nga naman kami para magsaya at mag enjoy. Masyado na akong nagiging emosyonal kaya siguro din ako ganito. Nag eenjoy naman ako sa nagdaang araw pero hindi ko lang talaga maalis sa isipan ko ang mga bagay na nakakapag paiyak sakin.
"Tignan mo ko." Hinawakan niya yung chin ko at hinarap ung muka ko sa kanya.
"Kahit anong mangyari hindi ako papayag na mawala ka sakin."
Hindi ako kaagad nakasagot. "Pano kung kailangan?"
"Kung anong desisyon mo kahit masakit tatanggapin ko pero hindi talaga ako papayag. Tandaan mo yan." Sa sagot niya lalo akong naiyak.
Kakayanin kaya namin? Kasi pag hindi ko yun ginawa baka may mangyaring masama kay Ashton. Ayokong mangyari yun sa kanya, sa taong mahal ko.
Hindi ko na namalayan na gabi na pala. Hindi na ako nagdinner pero dinalhan ako ni Ashton at maaga kami natulog I mean siya, nagkunwari akong tulog at maya maya nagempake na ako ng gamit ko habang naiyak.