Nag eempake na ako habang umiiyak pero pinipigilan kong humikbi kasi baka magising ko pa si Ashton. Nang natapos na akong mag empake umupo muna ako sa kama kasi medyo sumikip ang dibdib ko sa pag iyak.
Baka hikain ako nito sana naman hindi o kung hikain man ako sana mamatay na ako kung hindi ko din makakasama si Ashton. Maya maya may biglang kumatok at alam kong sila Kaye na yun kaya pagbukas ko hindi ako nagkamali.
"Bessy nag iintay na si Tita sa labas." Ang hirap iwan ng taong mahal mo pero para din naman sa kanya lahat ng ginagawa ko.
Ayaw kong makitang mahirapan siya ng dahil saakin. Kinuha ko na ung gamit ko at nilabas sa kwarto paglabas ko sa kwarto ng mga gamit ko kinuha ni Kuya Kevin yung maleta ko, for the last time nilapitan ko ulit si Ash at kinisan sa noo at bumulong ako.
"Mahal na mahal na mahal kita." Yan lang nasabi ko at lumabas na. Ramdam kong mugto na ang mata ko sa kakaiyak pero hindi talaga mapigilan.
"I'm sorry Ash." Tuluyan na akong nakapasok sa kotse namin. Nang makalayo na kami ng konti nakita ko si Ashton na lumabas ng kwarto.
Hinabol ni Ash ang sasakyan namin pero pinabilisan lalo ni Mommy ang takbo ng kotse hanggang sa hindi na kami naabutan ni Ash at nakita kong napaupo siya sa buhangin at nag iiyak. Sorry Ash...
Ashton Ivan's POV
Nagising ako ng naramdaman kong wala si Zea sa tabi ko. Maaga pa baka nagpapahangin yun sa labas. Kaya maliligo muna ako bago ko siya puntahan para mabango ako.
Pagbukas ko ng closet para kumuha ng damit ko bago maligo nakita kong wala na ang mga damit si Zea. Bakit wala?
Dali dali akong lumabas at nakita kong nakatingin silang lahat sa isang kotse na paalis na. Alam ko na si Zea iyon pero ng tatakbo na ako papunta kay Zea.
"Zea!" Sigaw ko pero huli na ang lahat nakalayo na ang sasakyan nila.
Akala ko ba mahal niya ako. Akala ko ba hindi niya ako iiwan. Akala ko ba kahit anong mangyari hanggang dulo kami magkasama. Siya pa mismo nagsabi na wag ko siya iiwan pero siya ang nagiwan. Ang sakit!
May lumapit at humawak sa balikat ko pagtingin ko sila Charles, sinamaan ko sila ng tingin at tumayo ako pumunta sa villa namin este akin na lang ngayon at dun ako nagwala. Pinagbabato ko lahat ng mahagip ko at nagsisisigaw
"f**k!" Sigaw ko.
"Zeanna! Bakit!?"
"Aahhh!!"
"Why do you need to f*****g leave me!?"
"Zea!!" Paulit ulit kong sabi at nang napatapat ako sa salamin ay sinuntok ko ito pagkasuntok biglang nagbukas ang pinto at bumungad sa akin sila Charles, mga syota nila at mga staff ng resort.
"Ashton, Anong ginagawa mo?" Tanong nila pero naglakad lang palabas ng resort.
Habang nasa byahe ay nag book ako ng flight pabalik ng Manila. Hindi ko na inisip pa ang mga gamit na maari kong maiwan dito sa Palawan. f**k it!
ZEANNA LOUIS POV
Habang papalayo kami kay Ash, lumapit sa akin si Mommy at kinausap ako.
"Anak makakamove on ka din pagdating ng panahon." Sabi ni Mommy habang kinocomfort niya ako.
"Ang hirap Mommy hindi ko alam kung makakamove on ba ako. Ang sakit pala Mommy." Sabi ko at lalong humagulhol sa loob ng kotse namin. Ang sakit sakit..
Tumahan na din ako at nakatanggap ako ng message galing kay Kaye.
From: Kaye
Bessy nagwawala si Ashton dito sa Resort.
Nagulat ako sa text ni Kaye. Kaya nagreply agad ako.
To: Kaye
Huh? Ano? Ano na nangyayari?
From: Kaye
Umalis na siya, hindi namin alam kung pasaan ang punta niya. Nakita ko nadugo ang kamay niya at basag ang mga gamit dito sa kwarto niyo.
Hindi na ako nakapagreply kasi tinatawag na ako ni Mommy, nasa airport na pala kami pabalik sa Manila. Bumaba na ako at saktong boarding na kami tapos maya maya umalis na ung plane namin.
Nakatulog ako at nagising nung papalapag na ang airplane at yun pagdating naming ay may sumundo samin. Imbis na sa condo namin ako dumiretso ay sa bahay ako pinauwi ni Mommy. Wala daw si daddy dahil may kailangan ayusin sa Cebu.
"Magpapahinga po muna ako." Paalam ko kay Mommy.
Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak hanggang sa makatulugan ko na lang ito.
Hindi ako lumalabas ng kwarto. Kung lalabas man ako ay kakain lamang. Holiday kaya dalawang linggo kami na walang pasok. Nang nabagot na ako sa kwarto kaka drama ay napagdesisyonan kong pumunta sa condo namin.
"Ang bilis niyo." Natatawa kong sabi pero alam kong peke yun at alam kong alam nilang peke yun.
Hindi sila sumagot sakin kung hindi ay niyakap nila ako at nag iyakan kami. Wala kaming communication sa nagdaang araw. Naka deactivate lahat ng account ko, hindi din ako nagpapatanggap ng bisita kay Mommy at naiintindihan nilang dalawa yun.
"Ano ba kayo. Wag nga tayo magsiiyakan. Mag bihis kayo aalis tayo."
"Saan tayo pupunta?" Sabay nilang sabi. "Magpapakasaya!" Sabi ko at tinulak na sila papasok sa mga kwarto nila para magbihis.
Ashton Ivan's POV
Dumiretso ako sa condo ko, pagdating ko dito sa Manila. Nilinis ung sugat ko, nagbihis at dumiretso sa club kung saan kami unang nagkausap ni Zea. Magpapakalasing kasi hindi ko kaya ang sakit.
Hindi siya nasagot sa mga text at tawag ko. Hindi ko din macontact sa social media, nagtatanong ako kina Laila ngunit kahit sila ay hindi nakakausap ni Zea.
Sa nagdaang araw ay naging tambay ako ng club pagdating ng gabi. Pagdating ko bumili agad ako ng isang case ng hard drink at nagpakalasing gaya ng madalas. Nang nakakaisang case na ako may nakita akong grupo ng mga tao nakadating lang at nasa kabilang table sila.
Tinitigan ko sila at napagtanto kong sila Kaye, Laila, Charles at Ezekiel ang mga yun kaya nilapitan ko sila kahit pagewang gewang ang lakad ko.
"Mga bro!" Tawag ko sa kanila at umupo sa tabi nila Charles.
"Bro anong ginagawa mo dito?" Halata ang gulat sa mga muka nila. Parang mga nakakita ng multo. "Bawal na ba ako dito?"
"Hindi naman"
"Kayo? Bakit kay-" Hindi ko na natapos ung sasabihin ko nang may nagsalita. "Guys tara dun-" Nagkatinginan kami at una siyang umiwas ng tingin. Tumayo ako at inakbayan siya.
"Hi ex babe," bati ko sa kanya bilang pang aasar.
"Ano ba?" Inis niyang inalis ang kamay ko sa braso niya.
"Wow! Parang walang nangyari nung mga nakaraang araw ah." Binigyan ko siya ngiti.
Hindi na siya sumagot. "Una na ako, maghahanap pa ako ng babae. See you around!" Sabi ko at bumalik ako sa table ko.
Umorder ulit ako ng bagong case ng hard drinks. Tumayo ako at dumiretso sa dance floor, nanghila ng mga babae at sinayaw.
"f**k ang saya ng buhay ko!! Hoo!" Sigaw ko hanggang sa hindi ko na maalala ang mga sumunod pang nangyayari dahil sa kalasingan.