Zeanna Louis POV
Nauna na sila Kaye sa table dahil nag cr pa ako. Sa dami ng tao ay natagalan ako, ngangayon na lang ulit ako nakabalik dito at nakakapanibago ang dami ng tao ngayong gabi. Paglabas ko nahanap ko agad sila habang palapit ako inaayos ko kong damit ko kaya nakayuko ako malamang.
"Guys tara dun-" Sabi ko at inangat ang uulo ko.
Pag angat ko ng ulo ko nakita ko si Ashton. Nagkatitigan kami pero nauna akong umiiwas ng tingin. Hindi ko kayang titigan siya, lalo't iniwan ko siya ng walang dahilan at explanation.
He deserve a proper explanation pero hindi ko pa din alam kung anong dahilan ba ang dapat sabihin dahil alam niya pag nag sisinungaling ako. Nakukuha niya agad ang ugali ko.
Nagulat ako ng inakbayan niya ako. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya, mukang kanina pa siya dito. Kinagulat ko nung sinabi niyang ex babe. Ang sakit pakinggan na galing sa kanya yung mga salitang yun. Nagkunyaring naiinis na lang ako.
"Ano ba?"
"Wow! Parang walang nangyari mga nakaraang araw ah. Parang walang pang iiwan na lang ng biglaan sa ere." dahil dun ay natahimik ako at hindi na nakasagot.
Indeed I'm speechless. Ayoko ng gumawa pa ng ikasasakit ng nararamdaman niya.
"Sige guys, una na ako maghahanap pa ako ng babae. See you around!" Ang mga sinabi niyang yun ang mas winasak ng puso ko.
Napaupo ako habang tulala, nilapitan ako nila Kaye at Laila para i-comfort. Syempre ikaw ba naman, sabihin ng taong mahal mo na maghahanap pa siya ng babae, hindi ka ba masasaktan?
Kinuha ko ung isang bote ng alak na hindi ko alam kung ano, basta ininum ko. Hinawi ko ang mga kamay nila at pinunasan ang mga luhang dumaloy pala sa pisnge ko.
"Ano ba guys. Okay lang ako, nandito tayo para magsaya.. Hooo!" Pagkasabi ko nagtinginan silang apat.
"Kunyari pa." bulong ni Kaye pero rinig ko.
"Tss!" Na lang ang nasabi ko.
Uminom ako ng uminom ng mga hard drinks. "Stop ordering more, Ezekiel." Saway ni Laila.
Tumawa naman ako. " I can ordermyself, Laila. Don't stop them kung yun ang ikasasaya nila."
Tinaas ko ang kamay para makakuha ng attention ng waiter. Umorder ako ng isang bote ng tequilla. "We are not here to get you drunk, Zea." Nilingon ko na si Laila na nag aalburoto.
Sa aming tatlo ay siya ang parang nanay kaya kahit wala kaming kasamang parents sa condo ay kila mayroon dahil sa kanya. Konting kalat lang naiinis na siya dahil gusto niya malinis sa lahat ng bagay at hindi ko naman siya masisisi sa parte na iyon.
"I just want to have fun, okay?" Kinakalma ko na siya dahil baka magyaya pa pauwi.
Gusto ko pa mag dance floor mamaya. Nang dumating ang tequilla ay kinalhati ko agad iyon kahit na ang sama ng lasa. "Here." Inabutan ako ni Kaye ng salt and lemon habang natawa.
"That's my girl." She said na ikinatawa ko na naman.
Nahilo ako lalo sa ginawa ko kaya naupo muna ako at pumikit. Hinayaan naman nila ako at nag kwentuhan na lamang ang mga lovers sa gilid ko.
Nang feeling ko kaya ko na ay bigla akong tumayo dahilan ng muntikan ko ng pagkatumba ngunit nakahawak naman agad ako.
"Let's dance." Yaya ko.
Umiling sila at alam ko na agad. Since may mga boyfriend kaming kasama syempre hindi sila sasayaw. "Okay, I'll be back." ani ko ngunit pinigilan na naman ako ni Laila.
"Don't you dare go out there drunk, Zeanna. Hindi ako papayag baka kung ano pa mangyari sayo."
Hinawakan ko ang kamay niya at dahan dahang inalis sa pagkakahawak sakin. "Chill, mommy. I'll be back." Kaye chuckled sa pagtawag ko ng mommy kay Laila.
"I won't let you go to that crowd and f**k yourself. Masyadong madaming lalaki dyan."
I laugh so hard. "That's gross, Laila. I won't f**k myself I cannot do that." Ani ko dahilan ng pagtawa din ng boys. Even her boyfriend chuckled.
"Stop, Zeanna."
"Let her, Laila. She'll be fine." Si Charles na iyon kaya natigil na din si Laila.
"I'll be back with my dress on." I smiled bago tuluyan na silang iwanan.
Hawak ang isang glass ng tequilla ay inubos ko muna iyon bago inabot sa waiter na nakasalubong ko.
Pagpunta ko sa dance floor ay siniksik ko ang sarili makapunta lang sa gitna dahil masyadong madaming tao. Duon ako nagsayaw na parang wala ng bukas. "Hoooo!" Sigaw ko.
"I love my life! Grabe!" Sigaw ko ulit.
Maya maya may humawak sa bewang ko at niyakap ako galing sa likod. Napaharap naman ako pagharap ko. Si Ashton.. Kahit malabo na ang paningin ko kasi may tama na nga ako pero parang mas may tama si Ashton.
"Uhm.. Ash?" Panimula ko.
"Uhm?" sagot niya habang nakapikit.
He's already drunk. "What are you doing?"
"Niyayakap ang taong mahal na mahal ko." Natigilan ako at hindi kaagad nakapagsalita.
Hindi naman agad mawawala yung nararamdaman namin sa isa't-isa, lalo na ang sakit na binibigay ko sa kanya ngayon.
Nakita kong napatingin si Ezekiel sa amin kaya sinenyasan ko siya na puntahan kami ni Ash sa dance floor. "Come back to me, please." Dun pa lalong nabuo ang katahimikan namin.
Nakapikit pa din ang mga mata niya habang nasayaw ang bewang namin sa mabagal na ritmo. Na akala mo ay nasa slow dance party kami.
"I love-" Hindi ko naituloy yung sasabihin ko nung minulat niya yung mata niya at lumayo sa akin.
"S-sorry" Ani niya at dun saktong dumating sila Ezekiel.
"Bro, ano ihahatid na kita?" Tanong ni Charles.
"Hindi na bro, kaya ko pa." Sagot naman ni Ashton.
"Sigurado ka?" Tumango lang si Ashton at tinignan ko. "Why don't you let them drive you?" Umiling lang siya at dahan dahan ng umalis.
Dahil sa nangyari ay tila nawala ang alak sa katawan ko. Pinanood ko ang likod niya na lumayo at kainin ng mga tao sa paningin ko.
"I hope you know how much I love you. Kung kailan mahal na natin ang isa't-isa duon pa tayo dapat maghiwalay. I am so sorry."
Hindi ko alam kung narinig niya ako dahil na din sa layo niya plus ang ingay mula sa kanta. Kung sana pwede ko lang sabihin sa kanya ang mga nangyayari pero bawal e.. pagsinabi ko baka mas mapahamak pa siya dahil alam kong ipaglalaban niya ako.
Sigurado ako duon.