Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga at mabilis akong nahilo kaya hindi muna ako tumayo. Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto at napansin kong wala ako sa bahay namin nila Kaye.
Hindi pa nagtagal ay napagtanto ko na kung kaninong kwarto to. Walang iba kundi kay Ashton. Alam ko dahil sa tagal ko ng natutulog dito ay saulo ko na ang condo niya.
Tumayo ako pero napahawak agad ako sa pader dahil nagdilim ang paningin ko. Naglakad ako habang nakahawak sa pader para maging alalay ko. Nang makarating na ako sa may pinto bubuksan ko na sana ng biglang bumukas ng kusa at bumungad sa akin si Ashton na may dalang isang tray ng pagkain.
"Gising ka na pala. Sana hindi ka na bumangon." Inalalayan niya ako gamit ang isang kamay pabalik sa kama para maupo.
"Bakit ako nandito?" I asked.
"Tumawag ka kasi sakin. Nag alala ako kasi hindi ka nagsasalita kaya pinuntahan kita.." So siya pala yung natawagan ko.
"S-salamat.."
Bakit ako nauutal? Baka gawa ng malamig dito sa kwarto niya at bukas ang aircon? Napansin kong nag iba din ang damit ko. Naka pang tulog ako na naiwan dito sa condo niya.
"Wag kang mag alala wala akong ginawa sayo kagabi.. Pinaltan ko lang suot mo, nabasa kasi ng ulan. " Paliwanag niya ng napansin siguro ang pagtataka ko sa suot.
Natahimik kaming dalawa kaya ako na ang bumasag ng katahimikan na iyon.
"Hindi ako pwedeng magtagal dito."
Kumunot ang noo niya na tila nagtataka kung bakit eh madalas naman ako dito nuon. "Just stay for the night. Ihahatid kita bukas, nilalagnat ka din."
Wala na akong nagawa dahil wala din akong lakas na makipag away sa kanya ngayon lalo na at ang bigat ng ulo ko. Pinakain niya ako ng dala niya ngunit inayawan ko din pagkatapos ng ilang subo.
Wala akong gana kumain o magsalita man lang. Gusto ko na lamang matulog at iyon nga ang ginawa ko pagkakain.
Nagising ako sa lamig na naramdaman ko sa muka ko. Minulat ko ang mata at nakita ko si Ashton na pinupunasan ang katawan ko gamit ang basa't malamig na towel.
"Nagising ba kita?" Umiling naman ako at umupo sa pagkakahiga.
"Gutom ka na ba?" Tumango ako.
Tuyong tuyo ang lalaminan ko ang hirap magsalita. Kaya kinuha ko agad yung tubig at inalalayan niya naman ako sa pag inom.
"Here.. Say ahh." Aniya ng inaro ang kutsara sa bibig ko.
Para naman akong bata nito na hindi maalam kumain mag isa at kailangan ng tulong dahil mag aamos. Hinayaan ko na lamang siya na subuan ako ng pagkain. Nakasara ang mga blinds na kanina ay nakabukas kaya hula ko ay ginabi na ako.
Masarap talaga siya magluto. Nang naka kain na ako ng kaunti ay umayaw na din ako gaya ng kanina ay wala talaga akong gana.
"Ubusin mo na ito. Hindi ka gagaling kung ganyan ka ng ganyan." Tinignan ko lamang siya na ang aaro pa din ng kutsara sa bibig ko.
Bumuntong hininga muna ako bago iyon sinubo. I saw a ghost smile on his lips na pinipigilan lamang.
Pagkatapos kong kumain ay pinainom niya naman ako ng gamot. Nakaramdam ako ng dapat na akong umalis, dapat wala ako dito, pagnalaman to nila Mommy at Daddy baka lalong mapahamak si Ash..
"Ipasundo mo na lamang ako kina Kaye. I really need to go home. Plus, nakakaabala na yata ako sayo." sabi ko at aaktong tatayo na sana pero hinawakan niya ang kamay ko..
"Never kang magiging abala sakin, Zea.. Magpagaling ka muna. Nasabihan ko na din mga kaibigan mo.."
Hindi ko alam paano magrereact kaya hinayaan ko na lamang at itinulog na lamang muli ang nararamdaman.
Nagising ako ng hindi na masakit ang ulo ko kaya bumangon na din ako para lumabas ng kwarto. Hinanap ko si Ashton ngunit wala siya pero may nakita akong sulat.
If you still want to see your Ashton. Go back to our old house in Laguna. We'll be waiting.
-Daddy
Takot na takot ako habang papunta sa dati naming bahay sa Laguna. Hindi na iyon natitirhan kaya medyo napabayaan na dahil busy din sila mommy at daddy.
Nasa pinto pa lamang ako ay kita ko na si Ashton na nakatali at duguan ang muka.
"Ashton!"
Tumakbo ako papalapit sa kanya kasabay ng pagbagsak ng luha ko dahil kasalanan kong lahat ng ito. Alam ko iyon.
"Daddy! Where are you?" I yelled.
"Ash?" I tried to call him.
"What a naughty daughter you are. I told you na lumayo ka sa lalaking yan." Nakita ko si daddy na may dugo ang damit. Mga dugo dahil sa suntok niya kay Ashton.
"This is not fair!"
"I told you.." Sinenyasan niya ang mga tauhan na ilayo ako kay Ashton. "Itayo niyo yang lalaking yan."
Tinayo naman ng mga tauhan ni daddy si Ashton na walang kalaban laban dahil puro na nga siya dugo at wala ng lakas.
"Ashton!!" sigaw ko dahil pinagsusuntok ulit siya. No!
"Dad don't do this.. Let him go!" Ngayon ko lang nakita si Daddy na ganun kagalit. Oo alam kong gangster siya nung high school pero bakit ipararanas niya din sa amin ito. "Please..."
"I beg you Dad."
"Don't hurt him!" I yelled so much hanggang sa sumakit ang lalamunan ko.
Nagising lamang ako ng narinig ang boses ni Ashton.
"Zea, wake up." Dun ako napamulat.. Panaginip lang ang lahat? Napaupo ako sa pagkakahiga at napatingin kay Ashton.
Mabilis ko siyang niyakap at duon nag tuloy ng iyak, It felt so real. "Are you okay?" I shookt my head.
"Ano bang napanaginipan mo?" He asked habang pinupunasan ang mga luha sa pisnge ko.
"W-wala," Iyon ang tanging nasabi ko.
Hinayaan namin ko ang sarili ko na yakapin ko Ashton hanggang sa kumalma. I ended the hug tsaka tumayo na ako. He is just watching me.
"Where are you going?" Aniya ng napansin na kinukuha ko ang purse ko.
"I have to go. Magaling na naman ako." Halos maubusan ako ng hininga hindi ko alam kung bakit. Kahit wala na akong lakas ay kailangan ko ng umalis.
Pagkalabas na pagkalabas ko dun bumuhos ulit ang mga luha ko. Bakit ang hirap? Ang hirap niya iwan? Ang unfair din ng buhay. Kung sino nagpapasaya sayo yun ang kailangan mong saktan at iwan. Ang sakit sakit...