"Luis!" Si Mommy na mabilis akong dinaluhan.
Hindi na ako nakapagsalita at nakahawak na lamang ako sa pisnge ko.
Ang sakit ng sampal ni Daddy, ngayon niya lang ako pinagbuhatan ng kamay kaya hindi ko alam kung bakit niya nagawa yun wala akong ideya pero alam kong matindi ang galit niya.
"B-bakit po kayo nandito?" Nauutal kong sabi at nanaginginig na ang katawan ko.
Holy crap!
"Akala mo ba hindi namin malalaman ang pinagagawa mo? Bakit ka pumayag sa mga ganung kontrata? Akala mo ba ikakaganda yan ng buhay mo! Hindi ka namin pinalaki ng ganyan Zeanna!" Sigaw ni Daddy.
Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kagalit. Hindi na ako sumagot at nanahimik na lang muna, hindi ko na napigilan ang luha lalo na ng hinila ako ni Daddy papasok ng condo para masara ang pintuan ng ayos.
"Pinapag-aral ka namin para naging maayos ang buhay mo hindi para pumayag sa mga ganyang kontrata! Ano na lang sasabihin ng mga tao pagkumalat ang pinagagawa mo! Hindi mo ba yun naiisip!"
Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na boses tanging puro luha lang.
"Tigilan mo yan, Zeanna! Layuan mo ang lalaking yun or else!" namumula na sa galit si Daddy at alam kong hindi ito maganda.
"Or else what, Dad!?" Hindi ko na napigilan at sinagot ko na si Daddy.
"Zeanna," Saway ni Mommy saakin.
"Or else dadalhin ka namin sa France kasama ang mga pinsan mo at hindi ka na babalik ng Pilipinas!"
What!?
Hindi ko na napigilan ang pag iyak ng sobra at tumakbo ako papasok sa kwarto ko. "Zeanna," Hinabol ako ni mommy pero nilock ko kaagad ang pintuan.
"Zeanna, open the door honey." Hindi ako sumagot at nahiga na lamang ako para duon ibuhos lahat ng luha. f**k!
Ang unfair lang masama bang makasama ang taong nagpapasaya saakin. Alam kong mali ang ginagawa namin pero ito ang nagpapasaya sakin. Bakit ang unfair ng buhay!
Alam kong mali pero bakit ganun, kung anong mali yun ang masaya. Umiyak lang ako ng umiyak sa kwarto narinig kong may kumakatok pero hindi ko yun pinansin at nakatanggap ako ng text galing Kay Kaye.
From: Kaye
Bessy wag ka na umiyak. Naiintindihan ko kung bakit ayaw mong buksan yung pinto, ako na bahala sa school pag hinanap ka Ashton. Pahinga ka muna.
To: Kaye
Salamat, Kaye.
From: Kaye
What are friends for? Diba. Aalis na kami ha. Wala na din parents mo dun daw sila sa bahay niyo muna. Mwahh!
Hindi ko na siya nireplyan at natulog muna ako.
Ilang araw ang lumipas at hindi ako pinapasok hindi ko din sinasagot yung mga text at tawag ni Ashton. Pumunta siya dito pero hindi ako nagpapakita sa kanya pinasabi kong umalis ako o tulog sa mga araw na hindi ako pumasok madaming nangyari.
Pinag pregnancy test ako nila Mommy baka daw buntis ako buti at negative naman ang result. Pinag iisipan ko ung mga sinabi ni Mommy nung nakaraang araw na pumupunta sila dito.
"Zeanna, layuan mo na yung lalaking yun. Para hindi na magalit ang Daddy mo sayo." Kausap ni Mommy sakin kasi dinalaw niya kami at nagdala din siya ng groceries.
Hindi ako makauwi sa bahay namin dahil ayaw ni daddy na makita ako. Kaya si mommy na ang bumibisita saakin. Dinadala na din ang module ko para sa mga namimiss na klase.
Ayon kay mommy nakausap na nila ang school dahil sa mga absent ko recently.
Hindi ako sumagot kay Mommy habang nakayuko lamang.
"Anak, makinig ka para din ito sayo. Paano ang kinabukasan mo? Masyado ka pang bata anak at graduating ka, kung kailan malapit ka na tsaka ka pa madadapa. Unica hija ka namin kaya protective lang kami sayo ng Daddy mo." Niyakap ako ni Mommy.
Napaisip ako sa sinabi ni Mommy, paano nga ang kinabukasan ko? Kinabukasan ni Ashton? Ano nga mapapagmalaki ko sa anak ko pag nagkataon? Lalabas akong masama at maduming babae?
Ayokong isipin yun ng magiging anak ko pag dating ng panahon. Kung ilalagay ko ang posisyon ko sa posisyon ni Mommy, baka mapatay ko pa ang lalaking gaganun sa anak ko.
Tama kaya ang magiging desisyon ko sa araw na magkita kami ni Ashton. Sana hindi ko ito pagsisihan.
1 week akong absent at ngayon ay lunes ng umaga. Napagdesisyonan ko nang pumasok muli. Ayoko din mahirapan pag dating ng graduation. Nagdesisyon akong suot ng simpleng dress at knee high sandals.
Nasa byahe na kami at syempre si Kaye ang nagddrive. Ako naman ay tahimik lang, binuksan naman ni Laila ang radio ng kotse, saktong ang kantang ay 'starving' by: Hailed Steinfeld ft. Grey & Zedd.
I didn't know that I was starving 'til I tasted you
Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo
By the way, right away you do thing to my body
I didn't know that I was starving 'til I tasted yo-
Hindi na natuloy yung chorus dahil pinatay agad ni Laila yung radio at saktong nandito na kami sa school kaya bumaba na agad ako ng walang salita. Pagbaba ko pa lang nakita ko na yung ibang studyante na nakatingin saakin hanggang sa nakarating ako sa classroom namin pinagtitinginan nila ako.
Pagpasok ko nakita ko ang lahat ng kakalse ko na nakatingin sa akin. Nginitian ko sila pero parang natulala na silang nakatingin sa akin natauhan lang sila ng sumigaw si Laila.
"Guys ano ba!" Sigaw ni Laila.
Pagpasok namin sa classroom duon pa sila bumalik sa katinuan at dali-daling naglapitan sa akin.
"Zea, anong nangyari sa ng 1 week?"
"Ang tagal mong absent ah."
"Magkwento ka naman girl."
Madami pa silang sinabi pero dumating na ang teacher namin kaya hindi ko na sila nasagot.
Matatapos na ang first subject namin ng biglang dumating si Ashton na naka black pants at white t-shirt.
Nakita kong tumingin siya sakin pero umiwas ako. Umupo na siya sa proper seat niya pero ramdam kong nakatingin siya sakin kasi katapat ko upuan niya hanggang sa tapos ng klase at uwian na ngayon.
Hirap na hirap akong iwasan si Ashton nung recess at lunch ngayon uwian na tinext ko siyang pumunta sa rooftop. Nandito na ako wala pa siya hindi ko alam kung gagawin ko na ba o hindi muna.
After a minutes dumating din siya nakakunot ang noo niya habang papalapit saakin.
"I think this is the right time. Hindi! Wag muna Zea! Hindi.. Ngayon na," Nagtatalo pa ang utak ko kung anong dapat gawin.
"Why are you not answering my calls and text?" Bungad niya ng makalapit siya. Hindi ko muna sasabihin sa kanya ieenjoy ko muna siyang kasama.
"Nagkasakit ako tapos nalowbat phone ko.. nakalimutan ko icharge." Palusot ko sa kanya kasi this is not the right time to tell him.
"I don't buy it."
"I'm telling the truth, Ash." Hindi ako umiwas ng tingin para maniwala na siya.
"Ramdam ko na hindi yun ang dahilan." s**t naman oh! Kaya nag iwas na ako ng tingin.
"Bahala ka basta yun na. Kung ayaw mo maniwala edi don't." Natahimik na kami, nagulat ako ng bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
"I damn f*****g miss you, Zea." I hug him back.
"Let's go for a out of town trip." Yaya ko sa kanya.
"Huh? Where?"
"Palawan, mamaya ang alis natin, 3 days. I'll text the other detail." Ani ko tapos umalis na ako.
Tatakbo na ako pababa baka naabutan pa niya ako. Sinabi ko sila Kaye na antayin ako sa parking lot kasi mabilis ko nga lang kikitain si Ashton. Nang nakasakay na ako at pauwi na kami sa condo namin nakatanggap ako ng text galing kay Ashton.
From: Ashton
I'll pick you up.
Hindi ko na siya nireplyan kasi nandito na kami sa condo at nagmadali akong mageempake ng damit ko. Swim suit, clothes, personal things, slippers ang dala ko at nagbihis na din ako ng mayos ayos na damit.
May nagdoorbell na baka sila Ash na yun kaya ako na nagbukas ng pinto dahil nagbibihis pa ata yung dalawa. Kasama din namin sila Kaye, Ezekiel, Laila at Charles dahil hindi papayag si mommy ng hindi.
Pinapasok ko sila at dumiretso ako sa kwarto ko para kunin ang gamit ko. Paglabas ko nandun na din sila Kaye, pare pareho kami na naka black tatlo.
Kinuha nila gamit namin at nilagay sa sasakyan. Kalimutan ko muna ung problema ko basta magsasaya muna akong kasama si Ashton sa loob ng 3 days na malayo sa realidad.
Alam ng mga magulang namin ang tungkol sa pag out of town namin, sila na daw bahala sa school pero hindi namin sinabi kay Daddy dahil magagalit lang siya.
Humingi ako ng ilang araw para makasama si Ash bago ko sundin ang gusto nilang dalawa. Alam ng Dyos kung gaano ko kamahal si Ashton.
Oo, mahal na mahal ko na siya...