Chapter 8

1097 Words
Nasa biyahe na kami papuntang airport at tahimik lang ako habang sila ay nag uusap tungkol sa mga gustong gawin pagdating duon. Paano ko kaya sasabihin kay Ashton ang about sa nangyari nung isang linggo saamin nila Daddy, na nalaman nila ung about sa contract namin at pinapalayo nila ako kay Ashton.  Kakayanin ko kayang malayo sa kanya gayong ilang buwan na din kami sa ganitong relasyon. Mahal ko na nga siya, eh siya kaya? Mahal na din kaya niya ako?  Iiwas at lalayo ako sa kanya yun ang napagkasunduan namin nila Mommy at Daddy. Para hindi nila ako mapadala sa ibang bansa at para din yun safety ni Ashton kasi sabi ni Daddy kung hindi ko sila susundin ay si Ashton ang masasaktan at ayoko naman siya nasaktan ng dahil saakin. Habang nagiisip ako biglang may kumulbit saakin pagtingin ko si Laila. "Ano bang iniisip mo? Kanina kapa namin inaantay bumaba." Pagtingin ko nandito na pala kami at lahat sila nasa labas kinukuha ang gamit nila kaya bumaba na din ako.  Pagbaba ko ng sasakyan nakita ko si Ashton na kinukuha ung gamit ko. Nang maibaba na niya ung maleta kong maliit  kinuha ko yun at pumunta kila Kaye at Laila na ngayon ay nag uusap about sa pupuntahan namin. Pagkatapos nilang kunin ang mga gamit ay pumasok na kami sa loob ng airport. Sakto lang ang dating namin kasi boarding na kami kaya ng maayos na ang lahat dumiretso na kami sa loob ng eroplano.  Katabi ko si Ashton, katabi ni Kaye si Ezekiel at si Laila naman katabi si Charles. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Ash at magkahawak kamay kaming natulog. Nagising ako sa boses na naririnig kong tinatawag saakin na parang ginigising ako pagmulat ko ng mata ko bungad agad saakin ang gwapong nilalang na mahal na mahal ko.  Tumayo na din ako at sumunod sa kanila palabas ng eroplano. Nang paglabas namin ng airport isang masarap na hanggin agad ang bumungad saakin. "Fresh air." Sabi ko sabay tingin kay Ashton na tinititigan ako sa paglanghap ng fresh air dito sa Palawan. May sumundo samin at yun ay yung mga tao sa tutuluyan naming resort. Sila Mommy ang nag ayos ng lahat, sumakay na kami sa sasakyang sumundo samin at dumiretso na sa resort na pupuntahan namin. Nang makarating kami sa El Nido Resort Apulit Island sa Taytay, Palawan. Pagbaba namin ay dumiretso kami sa kanya kanyang tutulugan namin, syempre nirequest ko kila Kaye na magkasama kami ni Ash kasi nga tatlong araw ko na lang siya makakasama.  Pagdating namin ng kwarto nahiga agad ako at pinikit ang aking mata pagod ako sa byahe kaya nakatulog agad. Kinabukasan maaga akong nagising at ganun din sila Ashton, Kaye, Laila, Ezekiel at Charles kaya sabay sabay na kaming kumain ng breakfast. "Good morning." Bati ko sa mga kaibigan. Nang matapos kumain parang inaakit ako ng beach, maaga pa naman kaya hindi pa masakit sa balat ang araw. "Ashton, tara mag swimming." Ani ko ng pumasok siya sa villa namin. "Pagod ka, pahinga ka muna." sagot niya. "Hindi ako pagod, dali na. Tara na." Untag ko sabay tayo na mula sa pagkakahiga para makumbinsi na siya.  "Sige na nga, magbihis ka na." Aniya. Dumiretso ako sa maletang dala ko at kinuha ang isa sa mga swimsuit bago dumiretso sa banyo para makapagpalit. I wear my black two piece swimsuit. Sinuot ko na din ang kulay green na cover up ko na may design na halaman. Paglabas ko naka swimming trunks na si Ash. "Damn girl!" Sabay hatak niya sa bewang ko papalapit sa katawan niya. I giggled. Lumabas na kami sa kwarto namin nakita ko sila Kaye at Ezekiel na nasa labas ng kanilang kwartong tinutulugan nagmumuni muni.  Si Laila at Charles nasa may tabing dagat nag uusap. Habang naglalakad kami sa may beach at pinagtitinginan ng mga tao, paano ba hindi pagtitinginan ng mga tao e may kasama akong mga gwapo. Nang medyo malapit na kami sa dagat may lumapit samin na dalawang mukang pabebe girl. "Can we take a picture with you?" Ani nuong naka pink na swimsuit at ang mokong pumayag.  Pinulupot ng dalawang pabebe girls ung kamay nila sa braso ni Ashton. What the fvck? Landi ha sa harap ko pa talaga! "Take us a picture, can you?" Kinuha ko ung phone nung babae na nasa kaliwa naman ni Ashton. Pinikturan ko sila ngunit hindi ko alam kung maayos ba ang kuha ko. Ang last shot ay yung paa nila ang kinunan ko ng patago tutal muka naman silang mga paa. Pagkatapos umalis na ung mga babae at nilapitan ako ni Ash pero naglakad ako palayo sa kanya. "Uy" Tawag niya sabay kulbit pero hindi ko pinapansin. "Zea?" "Galit ka ba?" Hindi ako sumagot.  Pinanatili ko ang mata ko sa dagat. "Galit ka nga. Sorry na." "Uy Zeanna, I'm sorry." Paulit ulit niyang pangungulit saakin at bigla akong napaisip. Tatlong araw ko na lang siya makakasama tapos magagalit pa ako. Hayst okay fine! "Zeanna Louis Villamor tandaan mo tatlong araw mo na lang siya makakasama. Habaan ang pasensiya" Sabi ng utak ko.  Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. "Hindi ako galit, okay? Naiinis lang ako kasi pumayag ka magpapicture sa mga pabebe na yun." "Nagseselos ba ang mahal ko?" Anong sabi niya!? Mahal!? Mahal na niya ako? Wait hindi nagpoproses ng ayos ang utak ko. Ang puso ko parang makakawala sa dibdib ko sa bilis ng t***k. "Mahal?" "Oo, Masama ba tawaging mahal ang taong mahal ko?" s**t naman oh, Ashton! Mahal na niya din ako! "Seryoso? Mahal mo na ako?" "Oo, mahal na kita Zeanna Louis Villamor kahit moody ka, kahit minsan ang cold mo, kahit minsan ang sweet mo, kahit minsan pa bigla bigla kang magagalit ng hindi ko alam ang dahilan, kahit ano ka mahal na mahal pa din kita. Ikaw mahal mo ba ako?" Emeged! Syempre Mahal na Mahal. God knows how much I love him. Tumango lang ako at ramdam kong mapula na ang pisngi ko. "Say it first." "Please, say it Zea." Pangungulit niya. "Okay fine.. Mahal na din kita Ivan Ashton Madrid." Sabay yakap niya sakin, una siya kumawala sa yakapan namin at nagsalita. "I love you!" Kilig na talaga ako. "I love you too." Sagot ko sabay halik niya sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Ayiieee! Kayo na ba!?" Sila Kaye na inaasar kami. "Road to forever na ba?" Tanong ni Ezekiel at napatingin ako kila Kaye at Laila sa tanong no Ezekiel. Lalo akong mahihirapan sa gagawin ko nito. Lalo na at alam kong mahal na din niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD