Prologue
Tumigil ako sa entrance ng Cafe Flora nang matanaw ko si Eli sa loob. Nakaupo siya sa pinakasulok, sa paborito naming puwesto, while staring at his phone. Napangiti ako nang biglang kumunot ang kanyang noo. Ang pogi niya talaga.
Sino kaya jowa niya? Just kidding! Ako lang naman ang girlfriend niya for four years. Grabe ang sarap magyabang today. Ang ganda ng panahon tapos three weeks na lang ay magtatapos na kami sa kolehiyo. Nasa ayos na ang plans namin after graduation. Ilang beses na namin itong napag-usap that it became a promise na kailangan naming tuparin.
Kapag pumasa kami ni Eli sa criminology board exam, pareho na kaming magiging police. Pagkatapos naming makuha ang lisensya namin, magtatrabaho na kami. Then bibili kami ng bahay para bumuo ng masayang pamilya. Everything is going smoothly. I can’t wait to be with him for the rest of my life.
Agad na natigil ang aking pagpapantasya nang mapansin kong may babaeng lumapit kay Eli. I roll my eyes at her. Oras na para gawin ang trabaho ko.
Taas-noo akong pumasok sa pinto at diretsong naglakad patungo sa direksyon nila Eli. Napalingon sa akin ang babae nang maramdaman niya ang presensya ko. I sweetly smiled at her.
“Hi.” Umarko ang kanyang kilay pagkatapos ko siyang batiin, then she flips her hair at me. Aba!
Tinalikuran na ako ng babae at itinuon na muli ang atensyon kay Eli. She’s ignoring me like I’m not here. Ang kapal naman ng mukha niya para gawin sa akin ito. Balian ko siya ng buto diyan, eh. Tingnan lang natin kong makakalakad pa siya bukas.
“Sige na kasi. Just give me your number na.” Gosh! Nakakarindi siya, ah. Pinipilit ba namang gawing cute ang boses niya kahit hindi naman bagay. Excuse me! Girlfriend here!
“Sorry, I don’t have a phone,” walang emosyong tugon ni Eli. He is obviously telling a lie, pero okay na rin ‘yan. Go, babi. Make her leave.
“You are holding your phone, sweetie.”
Tumaginting na ang aking mga tainga nang marinig ko ang huling sinabi ng babae. Hindi ko napigilan na batuhin ng masamang tingin si Eli dahilan para mapabuga siya ng hangin. Umayos siya. Huwag niya nang hintayin na ako pa ang magpaalis sa babaeng ‘to kung ‘di sa hospital ito uuwi.
“You know what, kahit phone ko pa ito ay hindi ko pa rin ibibigay sa ‘yo ang number ko. Kaya p’wede bang umalis ka na, mag-uusap pa kami ng girlfriend ko.” That’s my man!
Hindi ko napigilan na humagikhik nang makita ko ang itsura ng babae. Mukha siyang nalugi, deserve niya naman.
“Tsk, arogante. Fine, hindi ko naman kawalan,” mataray niyang wika sabay lakad palayo. Bye, b*tch!
Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng cafe. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin namin, nagkatinginan kami ni Eli. Malapad ko siyang nginitian pero hindi siya ngumiti pabalik sa akin. Dito ko na napagtanto na parang may mali.
“Sit down,” utos niya sabay lapag ng phone sa mesa. Sumulyap ako sa direksyon ng smartphone bago ako naupo sa kaharap niyang upuan. Hindi niya ugaling ilapag ang phone niya ng nakataob.
“Kumain ka na ba?” masigla kong tanong. I just want to lighten up the mood, parang naging awkward kasi.
“Selene. . .” Patanong ko siyang tinitigan saka ko inilapag sa sahig ang aking sling bag.
“Hmm? May problema ba?” usisa ko. Napansin kong may pag-aalangan sa mga mata ni Eli, pero pinili kong huwag na ito masyadong pansinin.
“It’s just that. . .” Isinuklay niya ang kanyang mga palad sabay iwas ng tingin. Hindi ko maiwasan na kabahan dahil sa kinikilos ni Eli. I think my malaki siyang problema.
“You okay? You can tell me anything,” nag-alala kong sabi.
For the past four years, open kami ni Eli sa isa’t isa kaya madali naming naaayos ang mga misunderstanding. Right now, I just want to make him feel safe kapag ako ang kasama niya. He can be vulnerable with me. I don’t care, I’d still love him.
“Tell me what’s wro―”
“Selene, let’s break up.”
“Huh?”
Pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ikot ang mundo pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Eli.
“You know I love you, right? And I’m doing this because I love you so much.”
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Eli. Dapat ba akong uminom ng tubig bago magsalita? O tawagin ko kaya muna ang waiter para hingin ang menu? P’wede rin namang pumunta muna ako sa banyo kahit hindi naman talaga ako naiihi. Gusto ko lang muna umalis dito, kahit saglit lang, dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Eli.
Nakatingin lang ako nang diretso sa lalaking nakaupo sa katapat kong upuan. There’s no hint of emotion in his hazel eyes while he is staring back at me. I couldn’t find the right words to say. He said he loves me, but now he’s breaking up with me. Hindi tugma ang mga sinasabi niya.
“Teka, teka. Pinapunta mo ako rito sa Cafe Flora para hiwalayan ako?” Hindi na maguhit ang ekspresyon sa aking mukha. Naguguluhan ako sa nagiging takbo ng mga pangyayari. Ayos pa naman kami kahapon, ah?
No, scratch that. Ayos naman kami for the past four years tapos ngayon gusto niyang makipaghiwalay? What kind of nonsense is this?
“Yeah, I’m breaking up with you. Hindi dahil sa hindi kita mahal, Selen—”
“So, nakikipaghiwalay ka kasi mahal mo ako? Nauntog ba ulo mo kahapon, Eli?” Napapalingon na ang ilang customer sa direksyon namin dahil sa biglang pagtaas ng boses ko.
Hindi ko tanggap ito. Wala akong pagkukulang kay Eli. Yeah, we fight sometimes, pero hindi naman ‘yon sapat na dahilan para iiwan niya ako. Ano? Isang araw na-realize niya na lang na hindi niya na ako gusto? Is that even possible?
“There’s nothing wrong with my head. Ang gusto ko lang ngayon ay,” binasa niya ang kanyang labi bago nagpatuloy, “malayo sa ‘yo.”
Saglit akong na istatwa dahil sa huling sinabi ni Eli. Hindi ko mapigilan na tanungin ang sarili ko kung ako ba mismo ang problema kaya gusto niyang makipaghiwalay? O may nangyari na hindi niya sinasabi sa akin kaya humantong kami sa ganito?
Nabanggit niya nang gusto niyang malayo sa akin dahil mahal niya ako? Sinong tanga ang gustong malayo sa mahal nila, ha! Hindi ko siya ma-gets, eh. Ano ba naman ‘to? Gusto kong maiyak.
“Eli, naguguluhan ako sa ‘yo. May nangyari ba kagabi? Ayos pa naman tayo kahapon, ‘di ba?” Matamis ko siyang nginitian pero nanatiling bato ang kanyang ekspresyon.
“Selene, graduation na natin in two weeks. I know I’ve shared a lot of plans with you about family and stuff pero kailangan ko na munang pagtuunan ng pansin ang sarili ko ngayon,” he sighed softly.
“Loko, p’wede naman nating gawin ‘yan ng magkasama, eh,” nakangiti kong tugon pero umiling lamang si Eli.
“You are not getting the point. Hindi ko magagawa ang gusto ko kapag kasama kita.” Sapat na ang mga binitawan niyang salita para mapatayo ako sa aking upuan. Pinigilan ko ang sarili kong huwag maluha dahil ayaw kong magmukhang kawawa rito.
“I see,” pabulong kong saad.
Araw-araw ay hindi ako nagkulang na iparamdaman sa kanya kung gaano ko siya sa kamahal. Tapos sa ganitong paraan niya lang tatapusin ang apat na taon naming pagsasama dahil ano? Mahal niya ako na parang hindi? Don’t tell me na abala na ang tingin niya sa akin ngayon? Akala ko going strong, going wrong na pala dahil ako na lang ang gustong tumupad sa pangako namin.
“Eli, I understand.” Napakunot ang noo niya nang makita ang suot kong ngiti. Sinubukan niya pa akong pabalikin sa aking upuan pero hindi ako nakinig. Hindi ko na kaya pang manatili rito. I get it.
“Siguro . . .” Saglit akong napatigil saka siya mariing tinitigan sa mata. Kahit kailan talaga ang pogi niya and he was mine.
“Teka, Selene . . .”
“Siguro napagod ka na, no? Okay lang, pagod na rin naman siguro ako. Nasasayangan lang kasi ako sa four years, eh. Sayang.” Pilit akong tumawa sabay pulot ng sling bag ko. Gusto ko nang maiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Huwag dito, please.
“Siguro nga pagod na tayo.”
Ito na ang huling salitang narinig ko mula kay Eli. Pagkatapos niya itong sabihin, nauna pa siyang lumabas sa pinto kaysa sa akin. Iniwan ako ng loko sa loob ng cafe!
Hindi ko na napagilan na ngumuwa habang nakatingin ako sa papalayo niyang imahe. Dahil sa ginawa ko, nagsilapitan sa akin ang ilang mga customers. Sinubukan nila akong patahanin pero hindi ako nagpaawat. Pucha! Ba’t ba kasi bigla na lang nang-iiwan!
Don’t worry. Madali naman akong makalimot. Ako pa ba!