Chapter 1 : LALA
The character's name, locations, events are just made by the author. It's not based on real life.
" O my god ang ganda nya bakla ! "
"Oo nga walang kupas!"
" Tabeeeeeeee!!!!! Dadaan si LALA !!!! "
" Hello lala ! "
Eto na naman si Lala kapag dumadaan sya sa kanilang Baranggay hinde maiwasan na lahat ng madadaanan nya ay mapapalingon sa angkin nyang Kagandahan.
Hinde katangkaran si lala pero bumagay sa hubog ng kanyang katawan. Hindi rin sya sya kaputian n
pero makinis ang kanyang mga kutis. Meron syang singkit na mata na maari kang maakit pero makikita mo ang tapang sa kanyang mata . Hinde mo makikitang Madalas ngumiti si Lala madalang lang ito kaya inaabangan ng mga kalalakihan ang kanyang ngiti. Kakaiba syang babae dahil hinde uso sa kanya ang crop top at maiikling shorts palagi lang syang naka jogger o kaya trouser at tinernuhan ng maluluwang na t-shirt . Hinde mo rin syang makikitang na ka make up kaya litaw na litaw ang natural nyang Kagandahan . Iniisip ng iba na maaring pusong lalaki si lala dahil sa kilos at pananamit neto pero alam ng lahat na may boyfriend ito at ito si ay Calli.
"Calli! " - sigaw ni lala na dahilan lalo syang pag tinginan lahat ng nasa kalsada na minamasdan sya in short marites
"Oh babe napapunta ka dito sa BAHAY?" - sabe ni Calli na tila diniin ang salitang bahay para lalong marinig ng mga chismoso at chismosa sa kanilang Lugar
" Gusto lang naman kitang MAKASAMA !" - Diin den ni lala na tila nag kakaintindihan sila ni Calli
"Ah ganon ba halika pasok ka muna sa bahay BABE ! " - Sabi ulit nito at pinapasok sa loob ng bahay ni Calli si lala na lalong nag pahaba ng leeg ng mga naka subay bay sa kanila sa kalsada .Hinde kalakihan ang bahay nila Calli ngunit malalaman mo na sila ay mula rin sa mayaman na pamilya . Nag mano muna si Lala sa Mama at Papa ni Calli bago sila pumasok sa kwarto nito.
" woy Di na naubos ang marites sa labas ! dinig na dinig mula dito sa kwarto. Diba sabe ko naman sayo huwag kana munang pupunta dito!"
" Nakakaubos nga ng social battery wag mo munang dagdagan ! " - Sabi ni Lala at sabay higa sa kama ni Calli na tila sya ang may Ari ng kwarto
"Jusko te hinde ko na kaya ang ganda mo ! Tigilan mo na kase yang pagpapanggap mo na boyfriend mo ako ! nakakasuka na iwwww!" - ani nito na tila diring diri sa kanyang katawan
" Ayaw mo non sikat ka mag pa salamat ka saken ! pate ako dapat ang magsabe ng iw ! " - Sabi ni lala
" Nag sisi na talaga ako na mag panggap na boyfriend mo ! alam mo ba yun? " -umupo ito sa may vanity chair at humarap sa salamin habang kausap si Lala
"Oo na bakla ka ! Alam kong pag sisishan mo ikaw ba naman na hinde maka rampa sa daan baka kase sabihin nila na 'Mas malambot pa kumembot si Calli kesa Kay Lala'!" - sabay ngiti ni lala na animoy pinipigilan tumawa
" HAHAHAHAHAA Gago ka ! " napansin na naman nito ang ngiti ni lala na tila tawa na nya yon " Teka ano yon? yang ngiti mo Wala na bang itatawa Jan !"
"huh?" -Lala
" Yang ngiti mo ayaw mong ilabas yung tawa mo ? bakit mo ba pinipigilan tumawa ? ayaw mo bang maging masaya ? Sa kwarto ko no rules pwede kang tumawa kahit umiyak ka pwede !" - Sabi neto sa kaibigan na bigla naman sumeryoso ang muka ni lala
"pakealam mo ba ?" -sabi nito sabay upo sa kama na umupo na at pumwesto na tila nag yoyoga
" Hinde pa ba ako nasanay sayo? mag one year na ata Tayong mag kaibigan pero parang hinde parin kita kilala " - Sabi ni Calli at sabay humarap sa kanyang kaibigan
"hmmmmmmmm.."
"Woy panget bakit hinde ka mag kwento ng buhay mo ? para naman makilala kita ! Dali na" -seryosong sabe ni Calli
" we're friends so you don't need it ! just figure it out on your own !" - Sabi Neto habang nakapikit at nag yoyoga sa kama
" taena nag English ayoko na ! Wala naman englishan !" - biro ni Calli
"Magaral ka kasing mabute ! " -lala
Tumayo si Calli at akmang lalabas ng pinto ng kwarto.
" just wait a minute I'm just looking if the lunch is ready ! And I call you if it's done okay? Wow dumudugo na ata ang ilong ko " - lumabas na ito sa kanyang kwarto at naiwan si Lala
Member si Calli ng LGBT at aware dito si Lala at the same time ang kanyang magulang . Nag papanggap lang silang mag boyfriend dahil kailangan ni lala na magpanggap para may mapakilala sya sa kanyang papa. Alam ng magulang ni Calli ang pagpapanggap na ito .
Kilalang Mayaman at Respetado ang magulang ni Lala sa kanilang buong lungsod. Kaya nagpanggap si lala dahil alam nya na usap usapan na baka sya ay pusong lalaki, para sa pangalan ng pamilya nila na iniingatan ayaw nya mabahidan ng kahit maliit na negatibo ang kanilang pangalan . Kaya't pumayag din si Calli at ang magulang nito para sa kagustuhan ni lala. Isang taon ang hanggangan ng pagpapanggap nilang dalawa.
" alam mo iha ? binabalak namin si Calli na papuntahin sa Pangarap nyang bansa sa Korea para don nalang mag aral " - Sabi ng mama ni Calli
" ahmm maganda po ang Korea bagay na bagay po si Calli don !" -sabi ni lala
" Bagay kase maganda ako?". - pabirong Singit ni Calli
" Masarap po ang luto nyo pong pochero tita" -hinde nito pinansin si Calli
" woy palagi ka Naman nakakatikim ng luto ni mama sabihin mong maganda ako kung hinde ---"
" kung hinde ano?"
" Hinde kana makakapunta dito !"
" Calli !Kumain muna kayo ng kumain " - saway ng papa ni Calli na tila mapapatawa den sa away ng dalawang magkaibigan
" che !" - Sabi ni Calli Kay lala sabay smirk dito
"Alam mo iha ang ganda mo pero hinde ko pa nakikita kang tumawa " -singit na Sabi ng mama ni Calli
" Ma! Sabihin mo ako yung maganda hinde sya !" - pag tatampo na parang Bata ng anak
" tumahimik ka Calli nag uusap pa silang dalawa!" - saway ng papa ni Calli
" e kase po tita hinde ko pong magawang tumawa pasensya na po" -simpleng sagot ni lala dahilan para tumahimik si Calli at Sumeryoso ang muka ng lahat
" Naku iha natanong ko lang naman ! pasensya na den !" - pag alala na Sabi nito
" Okay lang tita marami maman pong tao ang nag tatanong po sa akin nyan !" - sagot ni lala
" Well ganyan den ang tanong ko kanina " -calli
" kung may problema ka o kailangan ka nandito lang kami para sayo . Sabihin mo lang kung pasaway Ang anak ko at palagi kang inaaaway ha !"
"Mama ! Bakit parang sya ang anak mo " - biro ni Calli sa kanyang Ina
" Ampon kalang kase ! " - sabe ni lala kay Calli sabay dila
"mama kitang kita mo na ang ugali ni lala ! Bakit parang ako pa yung bisita dito ! "
" seloso talaga yang anak mo binata na e !" -Biro ng papa ni Calli
"tama ka jan honey binata na ang anak mo at malapit na tayong bigyan ng apo hihihi" - pabirong Sabi nito
" Mama ! Papa ! dalaga ang anak nyo ! nakakaines kayo grabe nyo ako alipustahin sa harapan ni Lala " - Sabi ni Calli sabay senyas Kay lala na tumaas na at bumalik sa kwarto para makatakas sya sa pag liligpit ng pinggan dahil na Kita nya na tapos na den sa kwarto si lala .
" Calli dahil tumakas ka hugasan mo yung pinggan mamaya ! " -sigaw ng mama ni Calli
" Alam mo manang mana ka sa mama mo ?"
" parehas kaming maganda ?"
" hinde parehas kayong chismosa !" - pabirong sabe ni lala
" MAMA CHIS MOSA KA DAW SABE NI LALA !!!!" - sigaw ni Calli sapat na para marinig ng magulang nya say habol Naman ni lala kay Calli at tinakpan ang bunganga nito
" Huy huy nagbibiro lang ako ! " - Hinawakan ni Calli ang kamay nilala at hinila ito para makawala sa pag kakahawak sa bibig nito
"MAMA!!!!!"
" Hoy bakla hahalikan Kita kapag hinde ka tumigil Jan! " - pananakot ni Lala dahilan para mapaupo si Calli at tumahimik na tila animoy anghel
" eto tumahimik na "
" Good ! I mean kase is parehas kayo ng personality like always positive at kung pano rin sya gumalaw ganong ganon ka den !"
" well syempre palagi kameng mag kasama . And sya den ang best friend ko . She's always support me no matter what and dad also . But my mom sya ang napagsasabihan ko ng lahat ng problema ko . "
" Alam mo Sana ako ren kagaya mo ...Sana may mama den ako"
To be continued ....