"Net, ano na?! " Parang aso na naka buntot si King kay Nenita. Simula kaninang umaga hanggang mag gabi ay kinukulit niya ito tungkol sa pakiusap niyang samahan siya ng dalaga sa plano niyang mamasyal sa Sagada. "Isang daan ka na nagtanong at hindi magbabago ang sagot ko, A. YO. KO! " nauubos ang pasensya na sagot niya. Muntik nang masubsob si King sa glass door sa panay pagsunod niya kay Nenita mapapayag lang ito. Isang linggo na niya itong sinusuyo ngunit hindi umuubra kay Nenita ang mga pakiusap niya. Tinulungan niya si Nenita sa pagdala ng mga labahin sa bodega. "Ipagpaalam kita kina tito, " aniya. "Kahit pumayag sila, ayaw ko parin." "I'll pay. Kahit every minute pa. " Malakas na napabuntong hininga si Nenita. Matamlay na tumingin siya kay King na nagsusumamo sa kanya. "S

