Chapter 17

1776 Words

"Hindi! " mabilis na sagot ni Nenita sa bunsong kapatid. "Pamangkin siya nang boss ko kaya kilala ko siya. " paliwanag niya dito. Ayaw niyang magsinungaling sa mga kapatid na hindi niya kilala si King. Ang problema niya ngayon ay kung paano iwasan ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang. Lalo na sa tanong ng bunso niyang kapatid kung boyfriend niya ba si King. Hindi parin kasi naka-recover ang lalaki sa pagkagulat. "Ang gwapo niya, ate. " Bungisngis na wika ni Rona. "Hindi mo ba talaga siya boyfriend, ate? " Sabat ni Ashly mukhang kinikilig pa. Mahina niyang siniko ang dalawa. "Umayos kayo. Kurutin ko kayo mamaya, " mahinang usal niya, nagbabanta. Pinamulahan siya ng mukha dahil posibleng narinig ni King ang ang sinabi ni Ashly at Rona.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD