Pabagsak na inilapag ni Nenita ang papel na hawak. Bigla siyang na stress. Naguluhan na naman siya kung ano ang dapat na gagawin. Binibigyan siya ni King ng pagpipilian kung itutuloy niya ba ang pagiging personal maid o ang umatras. Wala siyang pagtutol sa kontratang naka saad, ngunit may isang bukod tangi siyang hindi nagustuhan. Iyon ay ang paliguan si King at bihisan. Hindi pa man nangyayari kinikilabutan na si Nenita. "Ano naman ngayon? Besides, hindi naman ito ang unang beses na makita ko ang hubad niyang katawan. Kaya walang problema. Walang malesya. Hindi ito big ddeal." Pangumbinsi nito sa sarili. Panay ang pagpakawala niya ng hangin para tuluyang umayos ang pakiramdam. Nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig, ngunit parang sinilaban ang buong mukha niya nang may maalala

