Nang wala na si Nenita, kahit wala siyang tulog pinilit niyang bumangon para maligo. Kahit walang alalay kaya niyang bumangon at lumipat sa wheelchair niya. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para tulungan ang sarili na bumangon mula sa pagkalugmok. Ayaw niyang bigyan ng alalahanin ang magulang niya. Ayaw niyang mahirapan ang mga ito gayong nasisiguro naman niya sa sarili na kaya niya kahit walang tumulong. Nilipat niya ang pagkain sa center table. Bago siya nagtungo sa banyo para maligo may tinawagan muna siya. "Cancelled muna ang pag deliver ng bagong wheelchair ko." Ang wheelchair na ito ay high-tech. Hindi na niya kailangan alalayan para iangat ang binti kung siya ay magbihis, at kung lilipat na sa higaan niya. Ngunit dahil nandito na si Nenita bilang personal maid niya hindi

