SA DI KALAYUANG bahagi ng lugar kung saan malayo sa bayan ay nakatanaw sina Bella sa isang di kalakihang hide-out mula sa loob ng kotse ni Dasha. Nakikita nila ang iilang mga nagbabantay sa gate at masasabi ni Bella na maliit ito kumpara sa anchorage at casa asccéntrica. “What do you think of that small fry clan, Bella girl?”tanong ni Dasha na ikinalingon niya kay Bella. “Kinakabahan ako, Dasha, pero kailangan kong matapos ang initiation na ‘to. Hindi man ganun kalaki ang Royales clan hindi ko parin sila puwedeng maliitin hindi ba?”baling tingin ni Bella kay Dasha na ngumiti sa kaniya. “You’re right, don’t underestimate them. Be careful and just remember everything you did in your training, then after that puwede ka ng bumalik kay el señor. At para bigyan ka ng more reason para hindi ma

