Chapter 57 WARNING: THIS CHAPTER CONSISTS A SCENE THAT’S NOT SUITABLE TO READ BY YOUNGER READERS, IT CONTAINS VIOLENCE AND FIGHT SCENES. ACTION NGA DIBA, ANO PURO KAMA LANG? ENJOY! HUMINGA NG malalim si Bella habang inaalis niya ang mga dugo ni Mr. Moran sa kaniyang mga kamay, ilalim ng baba matapos niya itong patayin, nasa banyo siya ng kuwarto ni Mr. Moran habang nililinis ang sarili. Hindi makapaniwala si Bella na nagawa na niyang kumitil ng buhay gamit ang kaniyang mga kamay, hindi siya makapaniwala na ang masamang bagay na kinamumuhian niya ay siya ding gagawin niya. Tiningnan ni Bella ang kaniyang sarili sa may salamin, pinakatitigan niya ang kaniyang sarili bago muling nagpambuntong hininga. “Hindi ka pumatay ng inosente, Bella. Sumisira ng buhay ang taong kinitilan mo ng bu

