EIDE Binuhat niya ako at naglakad siya hanggang sa marating namin ang sasakyan niya. Kahit basang-basa ng tubig ulan, maingat niya akong pinasok sa sasakyan at pinaupo sa front seat. Pagsara niya ng pinto, pinatong ko agad ang dalawang paa ko at niyakap ang mga tuhod ko dahil nanuot agad ang lamig ng aircon ng sasakyan sa katawan ko. Pagpasok niya, pinatay agad niya ang aircon. Sa gilid ng mata ko, sinulyapan niya ako. Mula sa harap ng sasakyan, nilipat ko ang atensyon ko sa bintanang nasa gilid ko. Mayamaya lang ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan niya at nilisan ang lugar. Tahimik ang loob ng sasakyan. Walang ibang maririnig kundi ang malakas na buhos ng ulan, na hindi ko alam kung sinasadya rin na hindi ako paalisin sa pesteng isla na ito. Dahil sa tuwing tatakas ako, saka n

