Chapter 16 Sick

1992 Words

EIDE “Magpagaling ka muna. Kapag magaling ka na, ihahatid kita sa Della Morte Beach,” sabi niya at nagsimula nang magluto. Tahimik ko siyang pinanood sa ginagawa niya. Kung totoo man ang sinabi niyang pakakawalan na niya ako, aalis agad ako sa isla at maghahanap ng ibang lugar na pagtataguan. Pero paano ko gagawin iyon kung maging ang natitira kong pera ay nawala rin? Pagkatapos niyang ilagay sa mangkok ang noodles, binigay niya ito sa akin. Sinandukan din niya ulit ako ng kanin sa plato. “Kukuha lang ako ng gamot.” Wala na siya sa harap ko, pero nanatili akong tulala at nakatingin sa niluto niya. Pumalatak ako. Malaki ang kasalanan niya sa akin, pero heto ako, kakainin ang niluto niya. Wala naman akong pagpipilian dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko kayang kumilos.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD