EIDE “Please, Eide,” muling pakiusap niya nang hindi ako sumagot. Pinalamlam pa niya ang kanyang mata. Para siyang bata na nakikiusap sa magulang para bilhan ng laruan. Biglang umigkas ang kamay ko sa pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa ko, kaya napamura siya at hinawakan ang pisngi niya kung saan dumapo ang palad ko. “Why did you slap me?” gulat na tanong niya. Kung mag-react siya, akala mo ay hindi alam ang dahilan kung bakit ko siya sinampal. “Para matauhan ka.” Tinulak ko siya kahit mahina pa ang katawan ko. Mabuti't kahit paano ay may lakas pa akong itulak siya. Napahiga siya sa tabi ko. “May sakit lang ako, pero nasa tamang katinuan pa ako. Hindi porket inalagaan mo ako, hahayaan na kitang gawin ang gusto mo sa akin. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo, Trav. Hindi ko naka

