Chapter 3 Kiss

2298 Words
EIDE Impit akong napatili nang mahulog ako mula sa higaan. Muntik pa akong mauntog sa sahig. Dumadaing akong bumangon at sinubsob ang mukha ko sa kama. Hindi ko alam kung ano ang nangyari ng nagdaang gabi dahil biglang dumilim ang paningin ko. Nang hindi na ako makahinga, mabilis kong inangat ang mukha ko at kaagad na sumagap ng hangin. Mayamaya lang ay napangiwi ako ng sumigid ang kirot sa ulo ko. “Ang sakit ng ulo ko,” dumadaing na sabi ko. Dahan-dahan akong tumayo. Humawak ako sa kama para alalayan ang sarili ko. Pumunta agad ako sa banyo para maligo dahil kailangan kong mahimasmasan. Hindi ako umalis sa tubig hanggat hindi ako bumabalik sa katinuan. Pilit kong binalikan ang nangyari ng nagdaang gabi, pero parang lutang pa rin ang isip ko. Mayamaya lang ay pinihit ko na pasara ang dutsa nang maramdaman kong nanunuot na ang lamig sa katawan ko. Pagkatapos ibalot ang hubad na katawan sa tuwalya, lumabas na ako sa banyo. Huminto ako sa malaking salamin. Kumunot ang noo ko nang may nahagip ang mata ko sa bandang gilid ng leeg ko. “What the f**k is this?” gulat na sambit ko. Hinawi ko ang buhok ko para mas malinaw ko itong makita. Pinasadahan ko pa ito ng daliri ko dahil baka dumi lang ito. Hindi ito natanggal. Hanggang sa namilog ang mata ko nang napagtanto ko na hindi lang ito basta dumi. ​There's a hickey on my neck! “Who the heck put a hickey on my neck?” gulat na sambit ko. Bigla akong nabahala at kaagad na pinakiramdaman ang sarili ko. Kung may kiss mark ako, hindi malabong pati p********e ko ay nakuha ng kung sinong pangahas na pumasok sa cabin ko. Pero wala naman akong nararamdaman na masakit sa pagitan ng mga hita ko. Ang tanging masakit lang sa akin ay ulo ko. Normal pa naman akong maglakad. Para makasiguro, tinanggal ko ang tuwalya sa katawan ko. Wala naman akong nakitang ibang kiss mark sa katawan ko maliban sa leeg ko. Muli kong binalikan ang mga nangyari bago ako nakarating dito. Sa pagkakatanda ko, lumabas ako ng cabin para manood nang nagsasayaw sa apoy. May nakilala rin ako kagabi. “Ano na nga ulit ang pangalan niya?” Inalala ko ang pangalan ng lalaki. “Larry,” sambit ko nang maalala ko ang pangalan niya. Nagkwentuhan lang naman kami at pagkatapos, umalis siya sa tabi ko. Binigyan ako ng staff ng inumin. Pagkatapos kong inumin ang ibinigay nito, nakaramdam na agad ako ng pagkahilo. May bumuhat sa akin papunta dito sa cabin at sigurado akong hindi si Larry iyon dahil ibang boses ang narinig ko. Hindi rin ako maaaring magkamali, natitiyak kong ang lalaking din iyon ang naglagay ng pesteng markang ito sa leeg ko. Ang nakapagtataka, paano nalaman ng lalaking iyon na ito ang cabin ko? Nagbihis agad ako. Sinigurado kong hindi mapapansin ang kiss mark sa leeg ko bago ako lumabas sa cabin. Dumiretso agad ako sa information desk. “Miss, itatanong ko lang kung kasama ba sa free accommodation ang paglipat ng cabin?” “Yes, ma'am. Pero depende po kung may available pa na cabin na kasama sa promo.” “Pwede mo bang tingnan? Gusto ko kasing lumipat ng cabin,” sabi ko. “Double check ko lang po, ma’am.” “Thanks.” Habang naghihintay, tinanaw ko ang dagat. Masarap sanang maligo dahil hindi masyadong mainit. Makulimlim kasi ang kalangitan. Parang uulan pa yata. Pero paano ako maliligo kung may kiss mark ako sa leeg? Nakuyom ko na lang ang kamao ko nang maalala ko na naman ang ginawa ng lalaking iyon sa leeg ko. Nakakapanginig ng laman. Sinamantala niya ang kahinaan ko. “Pervert!” mariing sambit ko. Napatingin tuloy sa akin ang dalawang lalaking dumaan sa tabi ko. Akala siguro nila ay sila ang sinasabihan ko. “Ma’am Eide, pasensya na po, pero fully booked na po ang lahat ng cabin. May cabin po kaming available, pero hindi na po ito kasama sa free accommodation.” “Okay lang, Miss. Magbabayad ako kahit mahal, ‘wag lang akong matulog ulit sa dati kong cabin.” Baka balikan pa ako ng lalaking iyon, kaya mas mabuting lumipat na lang ako. “Sige po.” Sinabi niya ang halaga ng cabin. Kahit nagulat ako sa presyo, hindi na ako nagreklamo. Hinahanap ko ang ang card sa wallet ko. Mukhang nawawala pa yata ang card ko. Hindi kaya ninakawan ako ng lalaking iyon? Pero bakit nandito pa ang cash ko? Kapag minamalas nga naman. Nasa card na ‘yon ang lahat ng pera ko, pati ang binigay ni Sir Dex na pera ay naroon din. Hindi sapat ang pera na hawak ko. Kapag binayad ko pa ito, wala akong panggastos. Huwag na lang kaya akong lumipat ng cabin. Nakakahiyang bawiin ang sinabi ko. Ang yabang ko pa nang sinabi kong magbabayad ako kahit mahal. “May problema po ba, ma'am?” usisa na nito. Napansin siguro niya na kanina pa ako naghahanap sa wallet ko. “Nawawala ang card ko,” sagot ko nang mag-angat ako ng mukha. “Ganoon po ba? Baka na-misplaced niyo lang po sa loob ng cabin niyo, ma'am.” “Hindi ko na-misplaced, Miss, dahil maingat ako sa mga gamit ko. May lalaki na pumasok sa cabin ko kagabi. Baka siya ang kumuha ng card ko.” “Nakita n’yo po ba ang mukha ng lalaki?” Natigilan ako sa tanong nito. ‘Yon ang problema ko dahil madilim ang cabin at nahihilo pa ako ng mga oras na iyon, kaya hindi ko nakita ang pagmumukha ng lalaking ‘yon. Iniwanan na nga ako ng kiss mark, ninakawan pa ako. “Good morning, Abby. How is work going?” Napatingin ako sa nagsalita. Muntik nang umawang ang labi ko nang tumambad sa harap ko ang isang matangkad na lalaki. Nakatayo siya pa-side view sa akin, kaya kitang-kita ko kung gaano katangos ang kanyang ilong. He has a perfect jawline, too. His face is almost perfectly shaped, even from the side. Nang akma niya akong babalingan, kaagad kong tinuon ang atensyon sa wallet ko. “Good morning, sir. Okay naman po, pero may concern po si Ma'am. Nawawala daw po kasi ang card niya?” magalang na sagot ng staff. Base sa pakikipag-usap niya sa lalaki, parang mataas ang tungkulin nito sa isla. Pwede ko sigurong ilapit sa kanya ang problema ko. I lifted my face to glance at the man but froze when our eyes met. His blue eyes immediately caught my attention. He's even more handsome up close. He doesn't just look like a foreigner—he seems to have Filipino blood because he speaks the Filipino language fluently. “A man entered my cabin and took my card,” I stated plainly. “I apologize, Madam, but in the many years this island has been in operation, we have not received a single report of valuable items being lost from cabins.” Although he spoke calmly, his voice carried a weight of authority. Nagpanting ang tainga ko. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Parang may gusto kasi siyang iparating sa akin. “So, what are you implying? That I'm lying?” I said in annoyance. He gave me a cold stare. Those eyes felt like I’d seen them before, but I could not remember where. “That's not what I'm trying to say, ma'am. The island has very strict security measures, preventing thieves from accessing any tourist cabins unless…” Tinaasan ko siya ng kilay. “Unless what?” “Unless kasama mo ang lalaking pumasok sa cabin mo.” “Mag-isa lang ako sa cabin ko,” mabilis na sagot ko. “So, how did he get into your cabin?” Natigilan ako sa tanong nito. Hindi agad ako nakasagot. “N–nahilo kasi ako kagabi. Binuhat niya ako, kaya siya nakapasok sa cabin ko,” sagot ko at kaagad na umiwas ng tingin. “So, kilala mo nga.” Ang kulit! “Hindi ko nga kilala!” iritable na sagot ko. Kung hindi niya masosolusyunan ang problema ko, ‘wag na niyang pasakitin ang ulo ko. Hindi nakakatulong ang ginagawa niyang pagtatanong sa akin. “Sir, kasama po si Ma'am Eide sa free accommodation. Ang gusto po sana niya ay lumipat sa ibang cabin, pero wala na pong available na kasama sa promo. Ang available na lang po ay nasa upper-class na cabin. Magbabayad naman daw po siya, pero nawawala naman po ang card niya,” paliwanag ng staff sa kanya. Hinintay kong magsalita ang lalaki, pero mukhang kahit siya ay hindi alam kung ano ang gagawin sa problema ko. “Okay, ganito na lang. Habang inaalam namin kung sino ang lalaking pumasok sa cabin mo, may i-o-offer ako sa ‘yo.” Kumunot ang noo ko. “Ano?” “I think it would be better if we discussed this elsewhere.” Lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Siya ba talaga ang may-ari ng isla? Baka nagpapanggap lang siya. Pero sa kanya sinabi ng staff ang problema ko, kaya baka makatulong siya sa akin. “Okay.” Sumunod ako sa kanya. Habang naglalakad sa labas, may nakita akong isang stall na nagtitinda ng mga scarf. “Wait. May bibilhin lang ako.” Lumapit ako sa stall at kaagad na pumili ng kulay. Nang makapili, binayaran ko na ito. Kaagad kong nilagay ang scarf sa leeg ko. Kahit paano, komportable na akong kumilos dahil hindi na makikita ang kiss mark sa leeg ko. Habang naghihintay ng sukli, tinapunan ko ng tingin ang lalaki. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa akin. I wonder kung ano ang laman ng isip niya ngayon. Masyado kasi siyang seryoso. Pagkatapos kong makuha ang sukli, lumapit agad ako sa kanya. Huminto kami sa isang sasakyan. Binuksan niya ang pinto nito, kaya pinukol ko ng nagtatanong na tingin ang lalaki. “Bakit kailangan kong sumakay riyan?” “Dahil pag-uusapan natin ang tungkol sa problema mo,” seryoso niyang sabi. “Sa loob talaga ng sasakyan? Kung dyan lang naman pala tayo mag-uusap, sana doon na lang tayo sa harap ng information desk nag-usap,” reklamo ko. “Kung puro ka reklamo, paano natin malulutas ang problema mo?” Hindi ako nakakibo. Wala akong nagawa kundi pumasok sa sasakyan. Ilang sandali lang ay binabagtas na namin ang makitid na daan, na hindi ko alam kung saan patungo. Parang isang sasakyan lang ang pwedeng dumaan dito dahil sa liit ng daan. “Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ko habang pasimpleng pinag-aaralan ang dinadaanan namin. Mas mabuting maging alerto ako, para kung may gawin man siya sa akin, alam ko kung saan ako pupunta. Hindi niya ako sinagot. Hanggang sa may pumasok na tanong sa isipan ko. “May-ari ka ba ng isla?” “No,” mabilis niyang sagot. Dahil sa sagot niya, bigla akong napatingin sa kanya. Seryosong nakatuon ang atensyon niya sa daan, at hindi ko mabasa kung nagbibiro lang ba siya o seryoso siya sa sinagot niya. “Pinagloloko mo ba ako? Kung makipag-usap ka sa akin kanina, daig mo pa ang may-ari ng isla. Huwag mong gawing biro ang problema ko, mister!” Pasimple kong hinawakan ang handle ng pinto para makalabas ako ng sasakyan. Kahit umaandar pa ito, hindi ako magdadalawang-isip na tumalon palabas. Hindi na ako sasama sa kanya, kung saan man niya ako balak dalhin. Pero bago ko pa ito magawa, itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng daan. Hanggang sa napangiwi ako nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. “Where do you think you're going? Are you trying to escape me? I know your game, Miss. You're targeting the island's tourists.” Pinagbintangan pa ako ng masama ng lalaking ito. Oo, magnanakaw ako, pero hindi ako pumunta dito para nakawan ang mga turista na nandito. “Gago ka pala, e!” Marahas kong piniksi ang braso ko na hawak niya. Akma ko siyang uundayan ng suntok sa mukha, ngunit mabilis niyang nasalag ang kamay ko. Sinakop ng malaki niyang palad ang kamao ko. “Let go of me!” Pilit kong inagaw sa kanya ang kamay ko, pero ayaw niya itong bitawan. “No! Kung ang mga dayuhan lang naman ang makikinabang sa iyo, mabuti pang unahan ko na sila!” Natigilan ako at napaisip sa sinabi niya. Bigla akong naguluhan. “A–ano ba ang pinagsasabi mo?” naguguluhan na tanong ko. Sumabay sa dilim ng kalangitan ang mukha niya, na parang hindi naniniwala sa pinakita kong reaksyon. “Huwag mo akong gawing tanga, Miss. Isa ka lang sa mga babae na pera lang ang habol sa mga dayuhan. At kapag nakuha na ang gusto, iiwan na lang sila sa ere.” Napaawang ang labi ko nang napagtanto ko ang ibig niyang sabihin kanina. Hindi pala pagnanakaw ang tinutukoy niya. Iniisip niya na kaya ako nandito ay para maghanap ng dayuhan na gagatasan ko. “Ang bitter mo naman sa buhay, at pati kaming mga inosente sa ganyang bagay ay pinagbibintangan mo!” Naloko siguro siya ng babae dati, kaya akala niya, isa ako sa mga babaeng iyon. Akalain mo nga naman, naloloko pa pala ang mukhang iyan. Sino ba ang babaeng iyon para mabatukan ko? Lalong dumilim ang mukha niya at pinaningkitan niya ako ng mata. “One thing I hate is someone pretending to be innocent in front of me,” tiim ang bagang niyang sabi. Hanggang sa mabilis niyang tinanggal ang seatbelt sa katawan ko. Ngunit ang sumunod niyang ginawa ay hindi ko inaasahan. Impit akong napatili nang walang kahirap-hirap niya akong dinala sa kandungan niya. “Let's see how well you can play innocent.” My eyes went wide, and my body stiffened as he suddenly captured my lips. This arrogant bastard kissed me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD