Chapter 4 Escape

1665 Words
EIDE Agad niyang dinala ang isang kamay sa batok ko. Sa laki ng kamay niya, nasakop din nito pati ang kalahati ng likod ng ulo ko, kaya kahit ano ang gawin kong iwas para hindi niya ako mahalikan ay hindi ko magawa. I froze even more when his hand went around my back. He pulled me closer, causing our bodies to press closely together. II was alarmed when his tongue tried to enter my mouth. Pero hindi ko hahayaan na magtagumpay siya, kaya mariin kong nilapat ang labi ko para hindi makapasok ang dila niya. Ngunit kung gaano ko sinusubukan na ‘wag siyang bigyan ng pagkakataon, parang ganoon din siya kapursigido na magtagumpay at magawa ang hangarin niya. Parang siya ang tipo ng tao na hindi titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto niya. Mayamaya lang ay lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin, ngunit nanatiling nasa batok ko ang isang kamay niya. Ang buong akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag, pero lumipat ang kamay niya sa hita ko. Hanggang sa impit akong napadaing nang pinisil niya ng ubod ng diin ang hita ko. Nakasuot lang ako ng short, kaya ramdam ko ang pagsigid ng kirot sa hita ko dahil sa ginawa niya. Naging dahilan din ito ng bahagyang pagbuka ng bibig ko. He seized the opportunity to insert his tongue into my mouth. His tongue was now exploring my mouth, persistently trying to catch my tongue. While his tongue was busy, his lips moved against mine. Mapusok. Mapaghanap. Agresibo. Para akong nawalan ng lakas sa ginawa niya. Kaya ngayon ay parang kusang sumuko ang katawan ko. Hindi ko maintindihan, pero parang nawalan ako ng lakas na tumanggi. Pakiramdam ko ay ipinagkanulo ako ng sarili kong katawan. Napansin yata niya na hindi na ako nagpupumiglas, kaya pinakawalan na niya ang labi ko at bahagyang nilayo ang mukha sa akin. Tinitigan niya ako. Wala akong mabanaag na emosyon sa mukha niya. Tumaas ang sulok ng labi niya. Hanggang sa bumaba ang mata niya sa labi ko. Mayamaya lang ay sumilay ang ngisi sa labi niya at muling tumingin sa mga mata ko. “You enjoyed my kiss, didn't you?” Yes… no! Nagtatalo ang dalawang bahagi ng isip ko. Kailan ko pa nagustuhan ang halik ng isang aroganteng estranghero na katulad niya? Pero bakit may bahagi ng pagkatao ko na parang hinayaan na lang na magtagumpay siya? “No! In your dreams!” I fiercely denied it. He forced me and held me captive in his arms—what did he expect? His expression turned dark, and he gave me a sinister look. Akala siguro niya ay katulad ako ng ibang babae na sisiksik lang sa sulok dahil sa takot. Marami na akong pinagdaanan, kaya hindi ako masisindak sa tingin niya. Gumagana pa rin ang utak ko sa mga oras na ito at naghahanap ng tamang pagkakataon para tuluyang makawala sa kanya. He smirked. “Is that so? It seems I haven't satisfied you yet, and you want more.” Lalong nadagdagan ang pagkadisgusto ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi lang siya arogante; puno pa siya ng yabang sa katawan. Ang laki ng bilib niya sa sarili niya, na akala niya, lahat ng babae ay mabibighani sa taglay niyang kagwapuhan. Pwes, ibahin niya ako. “Ang kapal ng mukha mo!” asik ko sa pagmumukha niya. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi ako katulad ng iniisip niya. Ngunit parang hindi siya naapektuhan sa sinabi ko dahil nakakaloko pa siyang ngumiti sa akin. Hanggang sa muling dumapo ang kamay niya sa batok ko at kaagad akong kinabig palapit sa kanya, saka muling sinunggaban ang labi ko. Nag-panic na ako at namilog ang mata ko nang maramdaman kong pumasok ang kamay niya sa ilalim ng damit ko. Mabilis na gumana ang utak ko. Hindi na ako nagdalawang-isip na kagatin ang labi niya, kaya bahagya niya akong itinulak. He hissed in pain, “f**k!” grabbing his lip. I saw blood immediately. Sinamantala ko ang pagkakataon na makalayo sa kanya. Kaagad akong umalis sa kandungan niya at mabilis na inabot ang hawakan ng pinto sa front seat. Mabilis ang naging kilos ko, kaya nabuksan ko agad ang pinto. Ngunit hindi pa ako nakakalabas ay nahawakan na niya ako sa braso. “You think I'd let you escape, huh? No way!” Hinila niya ako para hindi ako tuluyang makalabas ng sasakyan, pero mabilis akong nakaisip ng paraan. Kahit nakatalikod, buong pwersa kong inuntog ang ulo ko sa kanya. Hindi ko alam kung sa mukha ba niya tumama ang likod ng ulo ko, pero sa pagkakataong ito, malakas ang naging daing niya. “What the hell! s**t… f**k!” Sunod-sunod na mura na niya ang narinig ko. Napangiwi ako. Umalog yata ang utak ko sa ginawa ko, kaya umiikot ang paningin ko. Magkagayon man, matagumpay akong nakalabas sa sasakyan niya. Hawak ang likod ng ulo ko ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Dinala ako ng paa ko sa kagubatan. Tumakbo ako nang tumakbo para masiguro lang na hindi na niya ako masusundan. Makalipas ang ilang sandali, bumuhos na ang malakas na ulan. Mabilis na nabasa ang buong katawan ko, ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Wala na akong pakialam kung saan ako mapadpad, basta makalayo lang ako sa lalaking iyon. Maaga kami umalis kanina, pero medyo madilim na ang kinaroroonan ko. Nasa gitna na siguro ako ng kagubatan. Bukod sa mga puno, nakadagdag sa dilim ng paligid ang madilim na kalangitan. Malakas pa ang loob ko kanina na suungin ang masukal na gubat na ito, pero nakaramdam na ako ng takot ngayon dahil baka may mababangis na mga hayop ang gumagala dito. Nakaramdam na ako ng pagod, kaya huminto ako sa malaking puno. Humihingal na sinandal ko ang likod ko dito. Siguro naman ay hindi na niya ako masusundan dito. Ang layo na nang itinakbo ko, kaya imposibleng makita pa niya ako. Ang problema ko, paano ako makakalabas sa gubat na ito? Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa lamig. Sana kayanin ng katawan ko hanggang sa makakita ako ng daan pabalik sa cabin ko. Mukhang impyerno pa yata ang isla na napuntahan ko, kaya aalis na lang ako dito. Maghahanap ako ng lugar na hindi ako makakatagpo ng katulad sa lalaking iyon. Napatili ako sa gulat nang kumulog ng malakas. Lumayo na rin ako sa puno dahil baka biglang kumidlat at tamaan ang puno. Pambihirang buhay ito. Simula nang nakawan ko ang lalaking iyon, sunod-sunod na ang dumating na kamalasan sa buhay ko. Ito na ba ang karma ko sa pagiging magnanakaw? Sinisingil na ba ako ng kasalanan ko? Nagpatuloy ako. Sa pagkakataong ito, naglakad na lang ako. Niyakap ko na ang sarili ko dahil sa lamig, pero hindi nito naibsan ang lamig na dinaranas ko ngayon. Nangangatal ang labi ko at nanginginig na ako. Hindi ko alam kung kaya pang magtagal ng katawan ko sa lamig. Mukhang wala yatang balak huminto ang buhos ng ulan. Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko ang isang kubo. Naglakad ako palapit dito. Binuksan ko ang pinto. Walang tao sa loob, kaya pumasok ako. Pagkatapos isara ang pinto na yari sa kawayan, umupo ako sa papag. Pinatong ko agad dito ang dalawang paa ko at nanginginig ang buong katawan na niyakap ko ang mga tuhod ko. Mabuti na rin na nandito ako sa loob dahil mas ligtas dito kaysa sa labas. Hihintayin ko na lang na tumila ang ulan. Sinandal ko ang ulo pader na yari rin sa kawayan at pumikit. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko. May pagkakataon na nagkakasakit ako kapag matagal akong nababad sa tubig ulan. Hindi ganoon kalakas ang resistensya ko, lalo na sa ganitong sitwasyon. Kumunot ang noo ko nang naramdaman kong parang may gumagapang sa paa ko. Pagdilat ko, namilog ang mata ko sa nakita ko. Pinigilan kong suminghap nang makita ang malaking ahas sa paanan ko. Nagkamali ako sa akala ko, na kapag nanatili ako dito sa loob ng kubo, ligtas ako sa mababangis na hayop. Hindi ako kumilos, dahil isang maling galaw ko lang, maaga akong mamamaalam sa mundo. Base sa nakikita ko, isang makamandag na ahas ang kaharap ko ngayon. Dumidila na ito sa harap ko at nakikipagtitigan na sa akin. Sa gilid ng mata ko, bumukas ang pinto. Gustuhin ko mang alamib kung sino ang bumukas ng pinto ay hindi ko magawa dahil baka bigla akong tuklawin ng ahas kapag gumalaw ako. “Don't move,” maawtoridad na utos ng pamilyar na boses ng lalaki. Ilang sandali pa ay impit akong napatili at mariing pumikit nang umalingawngaw ang putok ng baril. Pagmulat ko ng mata, tumambad sa harap ko ang wala ng ulo na ahas. Sinulyapan ko ang lalaki. Hindi ako nakahuma nang makita ang lalaking nakatayo sa bungad ng pintuan. Basang-basa siya at may hawak na baril. Parang tumigil ang t***k ng puso ko dahil nakatutok sa direksyon ko ang hawak niyang baril. Sa pagkakataong ito, wala na akong takas sa kanya. Mukhang handa na rin siyang tapusin ang buhay ko dahil sa ginawa ko sa kanya kanina. Dapat tumakas na ako, pero tiningnan ko lang siya nang maglakad siya palapit sa akin. Napangiwi ako nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. “Sumama ka sa akin kung ayaw mong matulad sa ahas na iyan!” puno ng pagbabanta na sabi niya at buong pwersa akong pinatayo. Shock pa ako sa mga nangyayari, kaya napasunod niya ako. Wala akong nagawa nang hinila niya ako sa bungad ng kubo. Dahil sa takot ko nang makita ang ahas at ang panginginig ng katawan ko dahil sa lamig, at nakita ko pa siyang may hawak na baril, parang biglang umikot ang paningin ko. Hanggang sa bumigay ang tuhod ko, kaya nawalan ako ng balanse. Naging maagap siya, kaya kaagad niya akong hinapit sa baywang ko. Nagtagpo ang aming mga mata. Malamig ang mga tingin na pinupukol niya sa akin. Mayamaya lang ay unti-unti nang dumilim ang paningin ko. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD