Chapter 5 Help

1846 Words
EIDE Marahan akong kumilos at minulat ang mga mata ko. Kumurap-kurap ako dahil medyo malabo pa ang paningin ko. Nang luminaw, saka ko nilibot ang mata sa kinaroroonan ko. Nandito ako sa isang silid malaking silid. Napaisip tuloy ako kung sino ang nagmamay-ari ng silid na ito. Sinapo ko ang ulo ko at binalikan ko ang mga nangyari bago ako napunta dito. Nang bumalik sa balintataw ko ang nangyari, napabalikwas ako ng bangon sa higaan. Umalis ako sa kama at mabilis na tinungo ang pinto. Matagumpay akong napangiti dahil hindi ito naka-lock, kaya malaya akong nakalabas ng silid. Hinanap ko ang pintuan palabas. Isang palapag lang itong pinagdalhan sa akin, pero parang ang hirap hanapin ng pintuan. Samantalahin ko sana habang wala sa paligid ang lalaking iyon. Kapag nagkaharap kaming dalawa, tiyak na katapusan ko na. Malaki ang atraso ko sa kanya. Baka hinihintay lang niyang magising ako para kapag nagkaharap na kaming dalawa, saka niya gagawin ang plano niyang pag-ganti sa akin. Kaya kailangan ay makaalis na ako sa lugar na ito sa lalong madaling panahon. “s**t, nasaan ba ang pintuan palabas?” mahinang sambit ko. Parang kanina pa ako naghahanap ay hindi ko pa rin makita. Imposible namang walang labasan ang bahay na ito. Muli akong naghanap ng pintuan palabas. Ngunit lumipas na ang ilang minutong paghahanap, wala talaga akong makita. Hanggang sa lumapit ako sa salaming bintana. Kung hindi ko makita ang pinto, dito ako sa bintana dadaan. Gagawa ako ng paraan para lang takasan ang lalaking iyon. Mula dito sa loob, tanaw ko ang dagat sa labas. Umuulan pa rin pala. Mukhang sasalubungin na naman ako ng malakas na ulan kapag nakalabas ako dito. Pero wala na akong pakialam kung mabasa ulit ako—ang mahalaga, makalayo ako sa kanya at hindi na kami magkita pang muli. Sinubukan kong buksan ang bintana. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para buksan ito, pero naubos na ang lakas ko ay nanatili pa rin itong nakasara. Tinangka ko ring buksan ang ibang bintana na nakita ko, pero bigo ako. Napapaisip tuloy ako kung nakasara ba talaga ang mga ito o sinadya niyang i-lock para hindi ko siya matakasan. “s**t, s**t, s**t!” Paulit-ulit kong sambit habang hinahampas ang bintana. Sa inis ko, sinuntok ko ito. Napangiwi ako nang masaktan ako. Sumigid ang kirot sa buong kamay ko. Nanginginig ang kamao ko nang kinuyom ko ito. Nauubusan na ako ng pasensya. Kaunti na lang ay mawawalan na ako ng pag-asa na makaalis sa lugar na ito. “Tired?” Lumingon ako nang marinig ko ang nagsalita. Hindi ako nakahuma nang makita ko siyang nakapamulsang nakatayo hindi kalayuan sa akin. His expression was blank, his eyes cold and distant as they met mine. He was the only man I'd encountered whose gaze felt colder than ice. Parang ang hirap niyang basahin. O baka sa akin lang siya nagpapakita ng kalamigan dahil sa ginawa ko sa kanya kanina? Bumaba ang mata ko sa labi niya. Hindi ko mapigilan ang sariling ngumisi nang makita ko ang bahagyang pamamaga ng labi niya sanhi ng pagkagat ko dito. Mabuti nga sa kanya. Umakyat ang tingin ko sa mukha niya. Huminto ang mata ko sa band-aid sa bandang gilid ng kilay niya. Dito yata tumama ang ulo ko nang inuntog ko ito sa kanya. “Are you enjoying watching what you've done to me?” Walang emosyon na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mayamaya lang ay nakakaloko na siyang ngumisi. “Hindi ka man lang ba magpapasalamat? Sa kabila ng ginawa mo sa akin, tinulungan pa rin kita. Binihisan at dinala sa tinutuluyan ko?” Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Binihisan? Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko. Hanggang sa namilog ang mata ko nang napagtanto ko ang sinabi niya. Iba na ang damit na suot ko. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin kanina nang magising ako dahil ang tanging laman lang ng isip ko ay tumakas. Tiningnan ko siya. Gusto kong kumpirmahin kung tama ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. “I-ikaw ang nagbihis sa akin?” Sana hindi siya. A shiver ran down my spine as a devilish smile curved his lips. “Yes,” diretsong sagot niya at malagkit na muli akong pinasadahan ng tingin. “You're in great shape. Pwede na kitang pagtiyagaan.” Napalunok ako sa sinabi niya. Tumaas ang balahibo ko sa tingin na pinupukol niya sa akin. Dinala niya ako dito dahil may balak siyang masama sa akin. Hindi ko pinahalata na naapektuhan ako. Kailangan kong maging matapang sa harap niya. Binigyan ko siya ng matalim na tingin. “Palabasin mo ako dito!” sigaw ko. Hindi ko hahayaan na may gawin siya sa akin. Kahit gwapo siya, hindi ako papayag na siya ang unang makakuha ng p********e ko. Kahit magnanakaw ako, pangarap ko rin makatagpo ng lalaking mamahalin ako ng tapat. Ayokong dumating ang araw na iyon na wala na akong dangal na ihaharap sa lalaking gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko. Kumunot ang noo ko nang minuwestra niya ang kanyang kamay. “Go on then. I'll give you a chance to leave my cabin,” sabi niya. Binibigyan na niya ko ng permiso na maakalis. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kaagad akong umalis sa harap niya at naghanap ng daan palabas. Ultimo sulok ng cabin ay hindi nakaligtas sa akin. Ngunit sa kasamaang palad, kahit ano ang gawin kong paghahanap, wala akong makitang pinto. Paano siya pumapasok at lumalabas sa cabin na ito kung walang pintuan dito? Mabuti't may nakakapasok pang hangin dito gayong sarado ang lahat ng bintana at wala pang pintuan. Naubos na ang pasensya ko, kaya ang siste, binalikan ko siya. Prente na siyang nakaupo sa sofa at tila hinihintay lang niya na bumalik ako. Tiningnan ko siya ng masama. “Where is the f*****g door?!” puno ng diin na tanong ko. Pero sa halip na sagutin ako, nagkibit balikat lang siya. Lalong uminit ang ulo ko sa tinugon niya sa akin. Pakiramdam ko, inuubos lang niya ang pasensya ko, hanggang sa kusa akong sumuko. Dahil sa inis ko, sumigaw ako ng malakas. Parang sa sigaw ko na lang dinaan ang panggigigil ko at frustration ko sa kanya. Halo-halo na ang naging emosyon ko dahil sa sunod-sunod na nangyari sa akin pagdating ko sa pesteng islang ito, kaya hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Gusto kong umiyak dahil sa frustration, pero kapag pinakita ko sa kanyang mahina ako, baka makahanap lang siya ng dahilan para mas lalong hindi ako palabasin sa cabin niya. Nang maramdaman ang pananakit ng lalamunan ko, muli ko siyang tiningnan ng masama. Parang hindi man lang siya nabingi sa sigaw ko, dahilan ng pananakit ng lalamunan ko. His gaze remained unchanged, still devoid of emotion. “Are you done?” he asked. His voice was calm, but somehow, that calmness felt even more terrifying. I'll admit, his presence was terrifying. His powerful aura seemed to fill the entire cabin. Hindi ako sumagot. Huminto lang akong sumigaw, pero hindi pa ako tapos. Tumayo siya. Napaatras ako nang maglakad siya palapit sa akin. Hindi niya inaalis ang mga mata sa akin. Parang tumatagos sa pagkatao ko ang tingin na binabato niya sa akin. Huminto siya sa harap ko. Napasinghap ako nang hawakan niya ang braso ko. Napangiwi ako sa paraan ng pagkakahawak niya sa akin. Parang gusto niyang pilipitin ang kamay ko. “I gave you a chance to escape, but you failed. Now it’s my turn,” he said coldly. He didn't give me time to react before pulling me close. Then my eyes widened as his kiss claimed my lips. Sinubukan ko siyang itulak, pero sobrang higpit ng yakap niya sa akin. Hindi na ako makahinga. Parang gusto na niyang durugin ang buto ko sa katawan. Kahit anong gawin kong iwas para lang hindi magtagal ang labi niya sa labi ko, nakakahanap pa rin siya ng paraan para mahalikan ako. Nauubusan na ako ng hangin sa baga. “What the hell, dude!” Mabilis akong sumagap ng hangin nang pakawalan niya ang labi ko. Nanatiling nakapulupot ang kamay niya sa baywang ko, kaya hindi pa rin ako makawala sa kanya. Napatingin ako sa nagsalita. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo hindi kalayuan sa amin. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin. Ang pumasok agad sa isip ko ay kung saan siya dumaan. “I heard screaming, so I thought…” He paused, and a playful smile slowly spread across his lips. “Forget it. It seems I heard a different kind of scream,” he said with a playful tone. “Get out of here, dude. We're having a good time,” sabi ng aroganteng lalaki, na parang baliwala lang sa kanya na may nakakita sa aming ibang tao sa ganoong tagpo. Malutong na tumawa ang lalaki at Napapailing na tumalikod sa amin. Parang mas mabait siya kaysa sa lalaking ito, kaya kaagad kong tinulak ang aroganteng lalaki at mabilis na tumakbo palapit sa lalaking bagong dating, na ngayon ay naglalakad na palayo sa amin. Humarang ako sa daan niya at nakikiusap na tumingin sa kanya. “Help me, please. Hindi ko kilala ang lalaking iyan. Basta lang niya akong dinala dito. Parang awa mo na, tulungan mo ako,” pakiusap ko. Sana ay tulungan niya ako. Hinintay ko siyang sumagot, pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Parang bigla siyang nag-iba ng katauhan ngayon kasya sa kanina nang dumating siya. Hindi ko mabasa ang emosyon na pinapakita niya. Parang naging katulad din ang presensya niya sa lalaking nagdala sa akin dito. “I don't even know who you are, Miss. So, why would I help you?” he uttered the words coldly. Napaatras ako. Nanlumo ako sa sinabi niya. Mali ako ng akala na mabait siya. Katulad din pala siya ng lalaking nagdala sa akin dito. “Leave her to me, Ark. I'll handle that woman,” he said, seemingly unconcerned. Tumaas ang balahibo ko sa katawan nang ngumisi ang lalaking kaharap ko. “Yeah, she's all yours. Do whatever you want with her, man,” he said as if he didn't care. Wala na sa harap ko ang lalaki, pero nanatili akong nakatulala. Lalo akong nawalan ng pag-asa na makaalis sa impyernong isla na ito. Nagulat ako nang makita ang lalaki sa harap ko. Hindi ko namalayan ang paglapit niya. Hinawakan niya ako sa kamay at pwersahang hinila. “Bitawan mo ako!” Pilit kong binabawi ang kamay ko, pero napangiwi na lang ako dahil lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko. “Masasaktan ka lang lalo kapag nagmatigas ka. Kaya kung ako sa ‘yo, sumunod ka na lang sa akin,” matigas niyang sabi. “Saan mo ba ako dadalhin?” Huminto siya at hinarap ako. Natigilan ako nang ngumisi siya. “Gusto mong malaman? Baka magsisi ka kapag sinabi ko.” Napalunok ako. Sana mali ang nasa isip ko. “A-ano’ng gagawin mo sa akin?” Hindi ko mapigilang kabahan sa nakita kong reaksyon mula sa kanya. “I'll give you a punishment you'll never forget.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD