EIDE Kahit anong gawin kong paghila sa kamay ko, lalo lang humihigpit ang hawak niya dito. Wala yata sa bokabularyo niya ang salitang respeto dahil kahit babae ako, handa niya akong saktan basta't magawa lang niya ang gusto niya. Gumala ang mata ko. Naghanap ako ng bagay na pwede kong madampot. Pero mabilis ang pangyayari dahil naipasok agad niya ako sa silid. Ito ang kwarto na pinanggalingan ko kanina. Napaigtad ako sa gulat nang binalibag niya ang pinto, kaya gumawa ito ng malakas na ingay. Mayamaya lang ay ako naman ang pinagtuunan niya ng pansin. Hinila niya ako palapit sa kama at para akong unan na tinapon niya dito. “What do you want from me?” hindi nakatiis na tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang laki ng galit niya sa akin, samantalang wala naman akong ginawa

