EIDE Pagkatapos kong kumain, dinalaw agad ako ng antok. Paggising ko, kadiliman ang sumalubong sa akin. Nag-panic agad ako, kaya mabilis akong bumangon sa higaan. Sa pagkataranta ko, nahulog ako sa kama. Kaagad akong gumapang at kinapa ang bawat madaanan ko. Hanggang sa napasigaw ako sa gulat nang may natabig ako. Bumagsak ito sa sahig. Nang makabawi sa pagkabigla, dahan-dahan akong tumayo at nangapa sa dilim. “H-help…” nanginginig ang boses na usal ko. Unti-unti ko nang nararamdaman ang panginginig ng katawan ko, pero pinilit ko pa ring maglakad kahit parang bibigay na ang tuhod ko. Mayamaya lang ay may nakapa akong malamig na bagay, pero dahil sa sobrang dilim, natabig ko rin ito. Babasagin ang natabig ko, kaya nang bumagsak ito sa sahig, gumawa ito ng malakas na ingay. Lalo akon

