EIDE Pagkatapos akong pagsabihan ni Trav, hindi na ako nagsalita. Maririnig lang ang boses ko kapag tinatanong ako ng kaibigan niya. Hindi ko rin namamalayan na malapit ko n palang maubos ang laman ng bote ng wine. Wala naman kasi akong ibang ginawa kundi ang makinig lang sa usapan nila. Pinipigilan kong magsalita dahil baka hindi na naman tumigil itong bibig kong mangatwiran sa kanya. Baka isipin niya ay gusto kong mahalikan niya. “Eide, are you alright?” tanong ni Ark. Napatingin ako sa bote ng wine. Mabuti pa ang mga kaibigan niya, maya't maya akong tinatanong kung okay lang ako. Samantalang ang katabi ko, parang baliwala lang ang presensya ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya na hindi ako kausapin o wala lang talaga siyang pakialam sa akin. Sabagay, bagong salta lang ako rito

