Chapter 19 Ignore

2531 Words

EIDE Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Trav, wala na akong nagawa kundi manatili sa cabin niya. Hindi na rin niya ako nilo-lock sa kwarto, kaya malaya akong naglabas-masok sa cabin. Pero pagkatapos niya akong bigyan ng maalab na halik, hindi ko na siya nakita buong maghapon. Pakiramdam ko, umiiwas siya sa akin. Kung iiwasan lang din naman pala niya ako, bakit niya pa ako tinanggap sa cabin niya? Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking iyon. Sabagay, magkikita pa rin naman kami dahil isang cabin lang ang tinutuluyan namin. Unless, sa cabin ng mga kaibigan niya siya matutulog. Mabuti na rin iyon para komportable akong gumalaw sa cabin niya. “Eide!” Napalingon ako ng may tumawag sa akin. Si Lekaio, kumakaway at naglalakad palapit sa akin. Nandito ako ngayon sa dalamp

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD