Maya-maya pa ay may biglang tumawag sa phone ni Alas. "Oh, si Danger." Sasagutin na sana niya ng maalalang wala akong damit at nang marealize ko rin iyon ay nagmadali akong kunin ang shirt ko na kung saang lupalop na napunta. *Hey! Bakit ang tagal mong sagutin?!* Sita ni Danger sa kabilang linya. Nasa likod ako ng phone ni Alas kaya hindi ako makikita doon ni Danger. *Bakit ka ba tumatawag, ang aga-aga?* *Anong maaga? Alas dyes na hoy!* Nabigla ako sa narinig ko at nakita ko nga ang relo at ten na nga!!! Late na ako sa trabaho! Nagmadali ako at sinenyasan ko si Alas na magsho-shower lang ako nang biglang tumunog din ang phone ko. *O, ano yun? May iba ka pa bang kasama dyan?* Nagtatakang tanong ni Danger nang marinig ang tunog ng phone ko. Nakita ko ang sandamakmak na missed call

