Hindi nga ako nagkamali nang pag-uwi ko ay mapagsabihan ako ni Tita. Para akong high school kung tratuhin niya. Like, duh! Twenty eight na ako! Yung iba nga pinagtutulakan nang mag-asawa. Tapos ako, hindi pa rin pwedeng matulog sa bahay ng boyfriend ko, na hindi rin naman under age. Kahit na puno ang utak ko sa huling pinag-usapan namin ni Alas ay pumasok pa rin ako sa trabaho. Syempre as usual, lutang lutang ang lola niyo, pero hindi naman ako nagkakamali sa mga ginagawa ko. Sadyang sobrang pre-occupied ang isip ko. Tuwing pipikit kasi ako ay naaalala ko yung nangyari sa amin, umiinit literal yung pisngi ko! Parang pwet ng kaldero na sinalang sa kalan. Ganon! Pero bukod doon ay hindi rin maalis sa isip ko yung mukha ni Alas na nagmamakaawa siyang sumama ako sa kanya pauwi ng Pilipinas,

