๐…  Lyric 134 : should we get married ๐… 

2075 Words

Maaga akong sinundo ni Alas kinabukasan at naka-ayos siya ng damit, casual lang, pero maayos, hindi kagaya kong nakapambahay lang talaga. "Bakit ganyan ang suot mo? Akala ko sa hotel mo lang tayo tatambay?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka binalikan ng tingin ang mukha ko at ngumiti. "Magpapalit na muna ako, intayโ€”" Nagulat ako ng higitin niya ako bigla at inilagay ang mga kamay sa bewang ko. "Gusto mo bang sa hotel lang tayo? Baka... makabuo na tayo nun." Kumunot ang noo ko at pinalo siya sa braso. "Loko ka. Ibig mo bang sabihin kapag nandun lang ako sa hotel mo buong maghapon, ay iyon lang talaga ang gagawin natin?" Nag-isip pa siya, pero mabilis ding tumango-tango at malaki ang ngiti. Ayos, ah! "O siya, mabuti pa puntahan na natin yang balak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD