Habang umoorder si Sir Oscar ay hindi ko maiwasang hindi siya titigan habang nakatingin siya sa menu. Kung titingnan mabuti, ang gwapo din nitong si Sir Oscar, mala-Leonardo Dicaprio nung nasa Romeo and Juliet pa siya ang datingan! Kavouge! Tumalon ang puso ko nang bigla niya akong titigan mula sa pagkaka-tingin niya sa menu. Agad kong ibinaba ang mga mata ko at saka inikot-ikot ng tingin ang kung anu-anong bagay. Shuta. Baka nahuli niya akong tinititigan ko siya, ha. Sinabi na niya ang order niya sa naghihintay na waiter. "How about you, Odele?" baling niya sa akin at tuloy-tuloy kong sinabi sa waiter ang kinabisado kong order nang hindi tinitingnan muli si Sir Oscar. Pagkatapos kong umorder ay tinitigan ko lang ang table, tubig at mga kubyertos doon. "So, how's your flight?" Shem

