"Oo naman. Sikat din kaya yung boyfriend ko. Marami rin kayang patay na patay sa’yo. Ano bang lamang nila sayo?" "Ikaw..." "Ako?" kumunot ang noo ko. "Oo. Kasi ikaw palagi ka nilang makikita. Ako, kailangan ko pang mag-eroplano ng seventeen hours, just to see you." sagot niya. "Nagseselos agad?" Ngumiti siya. "Hindi. Basta, ha?" "Oo na nga. Basta ikaw, wala akong mababalitaan na model, ha. Babalian ko talaga ng buto yun." Natawa siya at kinurot ang pisngi ko. "Tawa lang? Walang 'syempre iiwasan ko'?" sita ko sa kanya. "Oo, iiwas ako. Ayoko naman maging murderer yung girlfriend ko." natatawa niyang sabi sa akin. "Aba talaga. Tyaka yung mga sobrang close na fans, hawiin mo kapag hahawakan ka. Mabuti pa, pag-uwing pag-uwi mo, magpa-press conference ka at umamin kang may girlfriend k

