Warning!
This is a word of fiction names, characters, place and events are fictitious unless otherwise stated.
Any resemblance to real person living or dead or actual events is purely coincidental.
All right Reserved...
No parts of this story may be Reproduced, distributed or trasmitted in any form or any means, without the prior permission of the author!
PLAGIARISM IS A CRIME! SO PLEASE BACK OFF!
@Prince Wp
PROLOGUE
"Hindi ka nararapat para sa mahal na prinsipe, isa ka lamang galing sa mahirap na pamilya."
Tiningnan ko ang prinsesa ng mga sawa este ng mga Fevrio at nginitihan. Isa siya sa prinsesang hindi nakapasa sa standard ni kamahalan kaya ganito na lang ang selos sa kagandahan ko.
"Hindi man ako nararapat para kay kamahalan pero ako naman ang napili ng rayna't hari para sa anak nila. Mahirap man ako at hindi ko 'yon itatanggi, pero may ganda ako."
Ang sama ng tingin niya sa akin, dahil sa tinuran ko sa kanya. Mainggit ka pa prinsesa ng mga Fevrio.
"Isa kang lapastangan! Paano pumayag na pakasalan kanang prinsipe, hindi ka nga nakapag-aral sa matinong paaralan."
Nakangiti lang ako sa prinsesa, para mainis lalo at bumalik na sa kaharian nila.
"Hindi man matinong paaralan 'yon, mahal na prinsesa. Pero para sa akin ay parepareho lang ang paaralan."
Tinaasan niya ako ng pamatay niyang kilay. Anong akala mo papatalo ako. Hindi man ako prinsesa, pero lalaban ako sa pang-aalipusta mo sa tulad kung galing lamang sa mahirap na angkan sa probinsya ng Salethia.
"Nakakatawa ka, paanong pareho ang paaralan na pinasukan mo sa paaralang pinasukan ko? Pangdukha lamang ang inyo."
Tumawa ang prinsesa. Pero hindi ako magpapatinag sa kanya. Ako si Alana Bartolome ang papakasalan ni Prinsipe Harold Madrid. At hindi 'tong timawang Prinsesa Celestine na 'to.
"Parepareho lang mahal na Prinsesa, bakit ang inyo, ang mga panulat at stick ba ay ginto?"
"Lapastangan ka! Ipapapugot ko ang ulo mo dahil sa mga kalapastangan mo!"
Medyo natakot ako doon. Pero isipin ko pa lang na ang mapapangasawa ko ay si Prinsipe Harold. Nawala anh takot ko. Ang Madrid Palace ang nangungunang makapangyarihan sa buong mundo, kaya hindi ako dapat matakot dahil malapit na akong maging isang Prinsesa at maiahon ko na sa hirap ang mga magulang at pamilya ko.
"Ipapugot mo na mahal na Prinsesa," walang takot kung tugon sa kanya.
"Lapastangan!" Akmang sasampalin na ako ng Prinsesa ng may isang maugat na kamay na sumangga sa kamay ng Prinsesa.
Mabilis akong tumingin sa mahal na Prinsipe na ngayon ay nakatingin pa rin sa Prinsesa ng mga Fevrio.
"Anong ginagawa ng Prinsesa ng mga Fevrio sa Madrid Palace?" agad na tanong ni Kamahalan.
Tiklop ang Prinsesa. At sa wakas ay binitawan na ni Kamahalan ang kamay ni Prinsesa.
"Umalis ka na, wala kang karapatan na sampalin ang magiging prinsesa ko."
Hindi ko inaasahan na sabihin niya 'yon sa harap ng Prinsesa. Natutuwa at may halong kilig akong nararamdaman. P'wede na akong pugutan ng ulo.
Umalis ang Prinsesa at ngayon ay nakatingin na sa akin si Kamahalan.
"Ikaw! Sundan mo ako sa aking silid at bubuntisin na kita."
To be Continue...
A/N: Sana ay suportahan niyo ang kwento ni Prinsipe Harold at Prinsesa Alana. Medyo may pagka-comedy po 'to hehe.
And one more thing, thank you nga pala sa mga nag-add sa akin diyan sa sss. At ngayon ay nag-cocomment na sa mga post ko hahaha.