LII. Makaraan ang ilang beses nilang pagniniig na punong-puno ng pagmamahal ay nakatulog ng mahimbing si Aryana. Nakangiting pinagmamasdan lamang ni Jeffri ang asawa na mahimbing nang natutulog. Marahan nyang hinaplos ang pisngi nito. Masuyo rin nya itong kinintalan ng halik ang mapupulang labi ng kabiyak. Bukas ay panibagong buhay at panibagong pakikibaka na naman ang susuungin nila. Ngunit ang tanging dasal nya na nawa bukas ang magiging umpisa ng kanilang bagong buhay bilang mag-asawa. Hindi sya makatulog dahil sa nararamdamang pinaghalong kaba at saya. Kaba na baka hindi matuloy ang okasyon bukas dahil hindi papayag si Aryana. Saya dahil muli silang haharap sa dambana upang muling pag-isahin ang kanilang puso. Kinakabahan din sya na baka umurong si Brylle sa kanilang usapan at itan

