L. Ipinikit rin ni Jeffri ang kanyang mga mata habang hawak ang isang kamay ng dalagang nakaidlip dahil sa liko-likong matarik na daan. Nasa taas kasi ng isa sa mga bundok ang nirentahan nilang villa at sa kung gusto mong mamasyal ay bababa ka sa bundok at ang kalsada nila ay tamang-tama lang para sa dalawang sasakyan. Wala ka ring masyadong makikitang malalaking mga sasakyan dahil sa liit ng kalsada at dahil na rin sa matarik nga ang karamihan sa mga ito. Gustuhin man nyang gisingin ang asawa ay sarado pa ang mga tindahan. Maaga silang bumaba dahil sa excitement na makapamasyal. Buong maghapon kasi sila kahapon na nagkulong sa villa dahil na rin sa jet lag na naranasan. Ang haba kasi ng biniyahe nila para lamang makarating dito sa paraiso. Mahigit kalahating oras ding nakaidlip si Ar

