Prologue (ang kambal)
Mula sa isang maliit at madilim na silid,
maririnig ang hikbi ng isang batang babae.
"Tahan na, shine. Iyakin ka talaga" Kahit
nanghihina na ay pilit pa ring inaalo ni Shane Jane Martinez ang kakambal na si Shine Jade Martinez.
Pareho silang padapang nakahiga sa sahig dahil sa mga natamong sugat sa kanilang mga likod. Duguan at punit-punit na ang kanilang mga damit dahil sa latigo na walang awang inilatay sa kanila.
Ang Uncle Jim ng kambal ang gumawa niyon sa kanila. Tuloy pa rin sa pagluha si Shine "P-patawarin mo 'ko, Shane Nang Dahil sa 'kin... Dahil sa 'kin..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. Sinisi niya ang sarili sa nangyari.
Malupit ang kanilang Uncle jim kapag
mayroon itong hindi nagustuhan lalo na kung hindi
nila magawa ang ipinag-uutos nito ay basta basta na lang itong magagalit. Mas malupit pa ito sa mga nagpapatupad ng batas kung mag pataw ng parusa.
"Shh... shh... W-wala kang kasalanan," pag-aalo pa din ni Shane. Unti-unti nitong inilapit ang kamay niyo sa kamay niya.
Paglapat ng kanilang mga palad, lalong tumulo ang kanyang luha. "Shane, hindi ko na kaya," sabi nito. Dahil sa nararamdamang sakit, naalala nila ang kanilang mga magulang.
Mama, Papa, tulungan n'yo kami, dasal nila. Ngunit alam niya sa kanyang sarili na kahit paulit-ulit pa silang magdasal, hindi na sila maliligtas ng mga ito. Mahigit isang taon na ang nakakalipas nang mamatay ang dalawa sa
isang car accident.
Dahil sa biglaang pagkamatay ng mga ito, dumating at nakilala nila si Uncle jim na tumayong guardian nila simula noon. Doon tuluyang nabago ang kanilang buhay. Hindi nila akalain na mas masahol pa sa impyerno ang kanilang magiging buhay kasama ang tiyuhin.
Pinisil ng kapatid ang kamay niya. "H-huwag mong
sabihin 'yan, Stella. Malalagpasan natin ang lahat nang magkasama."
Labinlimang taong gulang pa lamang ang kambal
nang kupkupin sila ng tiyuhin at dalhin sa kagubatan.doon pala ito nagpatayo ng isang training compound.
Laking gulat nila nang malamang ito ang leader ngisang organisasyon ng mga assassins.
Mga taong binabayaran upang pumatay ng tao. Dinala sila roon upang sanayin at maging assassin din.
Maraming bata ang kinukuha ng mga tauhan nito
ng upang sanayin, ngunit napakakaunti ng mga nagiging bihasang mamamaslang dahil ang karamihan ay namamatay sa dalawang paraan.
Ang una ay kapag sinubukang tumakas. Hina-
hunting sila ng mga tauhan at pinapatay. Ang
pangalawa ay ang pagkamatay dahil sa training.
Ang mga hindi nakakapasa ay pinaparusahan at maraming namamatay sa hirap ng dinaranas kung kaya ang iilang nakakapasa ay lubhang napakagagaling. Wala silang naiiwang bakas at perpektong natatapos ang mga misyon. No one saw them and the police couldn't catch them.
Sa pagkamatay ng mga magulang ng kambal, nag-iba at bumaligtad ang kanilang kapalaran.
Isang taonang nakakalipas, labing-anim na taon na sila. Eto sila ngayon at nagdurusa.
"P-patawarin mo ako," muling paghingi ni shine
ng tawad. Nang nagdaang umaga, inutusan silang
magkambal na humuli ng tig-isang baboy at gamitin ang kutsilyo upang mapatay ito. Unang nakahuli ng baboy si Shine, ngunit sadyang napakabuti ng puso niya. Hindi niya kayang pumatay kahit pa ng hayop. At
dahil dito, pinarusahan sila. Sampung latay sa kanya at dalawampu naman kay Shane. Mas magdurusa ang iba sa kasalanan ng isa.
"Tahan na. Tama ang ginawa mo," sabi ng
kakambal.
"Pero ayokong nasasaktan ka dahil sa 'kin."
"Ano bang sinasabi mo? Ako ang panganay, hindi
ba? Dapat lang na ako ang poprotekta sa 'yo. I'll look after you."
"Umalis na tayo rito."
"Gusto ko mang umalis, papa'no natin gagawin
'yon?
Hindi siya makasagot. Tama ito. Gustuhin man
nilang umalis, hindi sila magtatagumpay. Hindi pa
nila kayang talunin ang mga guwardya at siguradong
mapapatay sila kapag tinangka nilang tumakas.
Sinabi nito ang nasa isip niya. "Hindi pa sa ngayon,
Shine. Ang maaari lang nating gawin sa ngayon ay
magpalakas pa. One day, Sis, kapag kaya na natin silang lahat, aalis tayo rito."
"I'm sorry," sabi pa rin niya. Sorry dahil hindi ko
masikmurang pumatay. Sorry dahil nagiging pabigat ako sa yo.
Tila nabasa ni shane ang nasa loob niya. "Don't
apologize. Instead, promise me one thing"
"Ano 'yon?"
"Promise me that we'll get out of here... alive."
Tumingin siya rito at naramdaman niyang lalong
humigpit ang kapit ng kapatid sa kamay niya. "Both of us. No matter what," sabi nito.
Mariing ipinikit ni Shine ang kanyang mga mata.
di Hindi pwedeng ganito lang ako. Hindi ko hahayaang patuloy na masaktan ang kapatid ko dahil sa 'kin.
Nilakasan niya ang loob at tinibayan ang puso.
"Pangako, Shane."
"Kakayanin natin."
Tumango siya. "Nang magkasama." Di nagtagal,
pumikit ang kanyang mga mata at siya ay nakatulog,
ipinahinga ang pagod na katawan.
Kanina pa tulog si shine ngunit si Shane ay gising pa rin at binabantayan ang kakambal, magkahawak ang kanilang mga kamay.
Habang minamasdan niya ito ay naalala niya ang
mga sinabi niya rito, "Ako ang panganay, hindi bat
Dapat lang na ako ang poprotekta sa 'yo."
Totoo at bukal sa puso ang mga sinabi niya sa kanyang kakambal. Siya talaga ang mas matanda sa kanilang dalawa at dahil dito ay napaka-protective niya.
She felt responsible for her sister and that's how it should be
Lalo na sa sitwasyon nila ngayon.
Kung tutuusin, sa lahat ng aspeto ng pagsasanay,
mas magaling si Shine. Mas mabilis, mas malakas, at mas matalino ito pero may isa itong kahinaan. Oo, kaya nitong bumali ng mga buto ng kalaban, kaya nitong kumilos nang napakabilis at walang ingay,asintado rin ito sa patalim o baril, ngunit hindi nito kayang pumatay, Kagaya ng nangyari kanina kaya sila
naparusahan,Don't worry, Shine, pangako niya sa kakambal.
Gagawa ako ng paraan. We'll get through this, I promise
I'll look after you.
Pumikit na rin si Shane at natulog.
Lumipas ang mga araw at lalong naging mahirap
ang mga pagsasanay na ipinapagawa sa mga bata. Ito ay upang masala sila at lumabas kung sino talaga ang mga may potensyal upang maging mamamaslang. Tinuruan sila ng martial arts at paggamit ng mga armas. Sa mga
ganitong pagsasanay kung saan hindi sila papatay,
lumulutang ang galing ng kambal, lalo na si Shane.