Chapter 05

1503 Words
SHINA. Walang masyadong nangyari sa pagpunta namin ng Baguio. Masyadong focus si Victoria sa phone niya, taking pictures and maybe sending it to Kei. Nag-enjoy din naman ako pero parang diko masyadong feel kasi may sariling mundo si Moon at Solar kaya si Tita Sapphire ang buddy ko. Maganda nga kasama si tita kasi talagang bagets na bagets parin siya. Natawa tuloy ako, nandito na ako ngayon sa kwarto ko at kasalukuyang nagb-browse ng mga vlogs. Dito na ako idiniretso nila Tita Sapphire kasi panigurado daw na pagod ako pero heto at kahit pagod ay hindi ako makatulog. I clicked one of Kei's interview that is on youtube. This was posted just recently, walang pinagbago magandang-maganda parin ang kapatid ko. She looks more lovely now. Mas pumuti ang kulay niya at mas kuminis ang kutis niya. 'How about your girlfriend Miss Guevarra?' - Interviewer 'She's fine and she's on Philippines right now. After my contract here in my recent project, i'll also go back to the Philippines' -Kei 'So you're going to quit modelling?' -Interviewer 'No. I just want a vacation with my family since i've been too busy with my career.' -Kei 'And they're okay about it?' -Interviewer 'Yes, the management is okay with it.' -Kei So uuwi talaga si Kei? Sabagay kahit naman anong mangyari uuwi at uuwi parin siya. I let out a sigh. Why am I disappointed? She's my sister I shouldn't be feeling this way. "Ang lalim naman non." Napatingin ako sa may pinto nang marinig ko ang boses na iyon. "Nana... Pasensya na po hindi ko kayo narinig na kumatok." Sabi ko at tumayo para yakapin siya. "Ako dapat ang humingi ng pasensya anak. Hindi naman naka-lock ang pinto ng kwarto mo kaya naisipan kong pumasok nalang." Ngumiti ako at umiling. "Upo ka muna Nana! May pasalubong ako para sayo." Sabi ko at kinuha ang isang malaking paperbag na naglalaman ng pasalubong para kay Nana. Binuksan ko iyon at inilapag isa-isa. May knitted scarf, fur jacket, key chain, bag, wallet,5 strawberry jam at mga pagkain na nakalagay sa bilog na tupperware. Kumuha ako ng tiglilimang piraso bawat pagkain kaya pwede niyang i-share sa mga kasama niya. "Napakadami naman yata nito hija." Natatawang sabi ni Nana kay napanguso ako. "Sayo lahat iyan Nana! Pwede mo i-share yung pagkain o kaya ay ipadala mo sa mga apo mo." Nakangiting sabi ko na ikinatawa niya. "Hindi ka na dapat nag-abala pa hija." Umiling ako at hinawakan ang kamay ni Nana. "Kayo lang po kakampi ko dito sa bahay Nana. May strawberries din po sa ref kuha nalang po kayo doon." Nakangiting sabi ko na ikinatango niya ngunit napalitan ng biglang pag-aalala. "Huwag mong sabihing kumain ka ng strawberries doon hija. Alam mong hindi ka pwede sa strawberries." Umiling ako kay Nana. "Hindi po Nana. Huwag po kayong mag-alala." Nakahinga naman ng maluwag si Nana kaya natawa ako ng bahagya. "Ikaw bata ka. Huwag kang tumawa dyan dahil noong huling inatake ka ng allergy mo ay akala ko mawawala kana." Nginitian ko si Nana. "Nana naman, hindi na po iyon mauulit." Ang sinasabi ni Nana ay noong mga bata pa kami ni Kei iyon. Gusto niya kasing kumain ako ng strawberry na paborito niya pero sabi ko ayoko dahil may allergy ako don pero pinagpilitan parin niya kaya wala akong magawa kesa naman sa umiyak siya at mapagalitan ako ni mommy at daddy. Ang ending itinakbo ako sa hospital dahil doon. Everyone kept quiet about it since hindi naman iyon alam nila mommy at daddy, isa pa ay wala sila nang araw na iyon. "Ayos ka lang ba hija? Bigla kang natahimik?" Tanong ni Nana kaya ngumiti nalang ako. "Miss ko na po kasi si Kei." Mahinang sabi ko na ikinatigil ni Nana. Hinaplos niya ang buhok ko at niyakap ako kaya niyakap ko din siya pabalik. "Kahit na laging ganon ang ipinapakita ng kapatid mo sa'yo hindi parin nagbabago ang pakikitungo mo sakanya." I can feel the relief in Nana's voice. "Kapatid ko parin naman siya Nana at mahal na mahal ko si Kei. Mas gusto ko pong nakikita na masaya siya. Ayaw ko siyang umiiyak dahil mas maganda siya kapag nakangiti. Kei is like a treasure to me Nana." Sabi ko at humiwalay ng yakap kay Nana. "She will always be my precious little sister." Nakangiting sabi ko na ikinangiti din ni Nana. "Pero hanggang kailan mo itatago ang totoong nararamdaman mo kay Victoria?" Tanong ni Nana na nakapagpatigil sa akin. Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya. "Masaya na ako sa mga nangyayari ngayon Nana. Ayokong sirain ang pagmamahalan ni Kei at Victoria. Kapag umamin ako siguradong magkakaroon ng gulo." Sabi ko kay Nana. "Pero paano naman ang kasiyahan mo hija?" Tanong ni Nana kaya nginitian ko siya. "Kaibigan lang po ang turing sa akin ni Victoria pero ayoko parin pong sabihin sakanya. Wala mang nararamdaman sa akin si Victoria sigurado parin akong magkakagulo." Sabi ko at huminga ng malalim. "Parang hindi naman ganon ang nakikita ko noong mga bata pa kayo." Sabi ni Nana. Talagang gustong-gusto niya ako para kay Victoria. Ganon din naman si Tita Verlie at Tito Hendrix ang mommy at daddy ni Victoria at Venice pero hindi ko sinabi kay Kei dahil alam kong sasama ang loob niya. "Mas pipiliin ko parin po ang kasiyahan ng kapatid ko kaysa sa sarili kong kasiyahan." Nana messed my hair ang gave me a smile. "Wala akong masabi sayong bata ka. Sige na at bababa na ako. Tatawagin napang kita kapag dinner na." Tumango ako at ngumiti kay Nana bago siya lumabas ng kwarto ko. Tumunog ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha sa kama ko at nakita ko ang pangalan ni Victoria sa screen kaya agad ko iyong sinagot. "I thought you're sleeping." Sabi nito at tumawa kaya kumunot ang noo ko. "Gising pa ako hindi ako makatulog." Sabi ko sakanya. "Hindi ka ba pagod?" Tanong nito sa akin. "Pagod pero hindi ako makatulog, bakit ka pala napatawag?" Tanong ko sakanya at umupo sa kama ko. "Did you enjoy our little trip in Baguio?" Tanong niya sa akin kaya natawa ako. "Oo naman! Na-miss ko nga bumalik don eh buti napang nagyaya ka." Sabi ko. "Really? I heard inis na inis ka daw nung sinabi kong gusto kong gumala sa Baguio? Binatukan mo pa nga ako remember" I pouted my lips. "Eh siraulo ka kasi eh! Ang layo ng trip mong lugar para gumala!" Sabi ko at napairap nalang. I heard her laugh. "Sorry na! Highblood ka naman agad! Sige ka magkaka-wrinkles ka niyan." I scoffed on what she said but she just laughed more. "Sabi kasi ni Kei nami-miss na daw niya ang Baguio and she wanted me to take a picture sa lahat ng mga pupuntahan natin." Nawala ang pagngiti ko sa sinabi niya. "Oh... That's good." Mahinang sabi ko at natahimik naman siya. "I'm sorry Yunice." I bit my lower lip. "Why are you saying sorry?" Tanong ko sakanya. "I don't know. I just feel like I need to tell that to you." Napailing ako. Wag kang ganyan Victoria please. Hindi ko mapigilan ang bigat ng nararamdaman ko. "Se Agapó." Bulong ko. "Ano yon Yunice?" Tanong nito. "Nothing." Natatawang sabi ko at pinunsan ang luhang tumulo sa mga mata ko. "I'll fetch you tommorrow." Sabi nito ay pinatay na ang call kaya kumunot ang noo ko. "Bwisit na gurang to! p*****n ba naman ako?" Sabi ko sa sarili ko at napairap nalang. Napahiga ako sa kama ko at napatitig sa mga glow in the dark na stars na nakadikit sa ceiling. Napangiti ako nang mapait dahil sa sinabi ko kanina. Napailing nalang ako at humarap sa mga picture frames na naka-display. Kapag ba hindi ako nagkagusto kay Victoria hindi kami magkakaroon ng alitan ng kapatid ko? Kapag ba hindi ko minahal si Victoria hindi lalayo ang loob sa akin ni Kei? I sighed and closed my eyes. "I won't leave you. I promise. Iyakin ka pa man din kaya paano kita iiwan?" Natatawang sabi ni Victoria at ginulo ang buhok ko. I pouted in front of her. "Salbahe ka talaga!" Inis na sabi ko sakanya pero ngumiti lang siya sa akin. "I promise to never leave you Miss Shina Yunice Guevarra Lim." I smiled at her and offered my pinky finger. "Pinky promise?" Pinulupot niya ang pinky finger niya sa daliri ko. "Pinky promise." Sabi nito at kinindatan ako na ikinapula ng mukha ko. Napamulat ako nang maalala ko ang araw na iyon. I smiled bitterly. "You broke your promise Victoria. You left me without even saying goodbye properly." Napahawak ako sa dibdib ko. This is the pain i've been keeping inside. Watching the love of your life being inlove with your sister is not easy. Minsan nang sumagi sa isip ko na agawin siya sa kapatid ko pero hindi ako ganon kasama para gawin iyon. I love Victoria but I love my sister more pero hindi ko ipagkakailang paulit-ulit na sinasaksak ng puso ko sa tuwing nakikita ko silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD