Chapter 06

1533 Words
SHINA. Nagising ako nang marinig ko ang malakas na tunong ng alarm clock ko. Agad akong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo at mag-ayos. Muntik pa akong madulas dahil sa pagmamadali ko. Matapos ang isang oras ay tapos na din ako sa pagligo at pag-aayos. Dumiretso na ako sa baba at naabutan ko ang mga katulong at si Nana na nag-aayos sa hapag. "Nasan po sila mom?" Tanong ko kay Nana. "Maaga silang umalis hija, may emergency daw. Umupo ka na at kumain." Sabi ni Nana at napatingin ako sa dining table. Nandoon ang mga paborito ko pero wala akong gana. "Sa school nalang po ako kakain. Kayo nalang ang kumain niyan Nana." Nakangiting sabi ko at lumabas na ng bahay bago pa ako makapunta sa garahe ay bumukas ang gate at pumasok ang isang mamahaling sasakyan na ikinakunot ng noo ko. Nang tumigil ang sasakyan ay lumabas dito si Victoria na ikinagulat ko. Nakasuot ito ng white sweatshirt at naka-itim na pants. "What are you doing here?" Tanong ko sakanya. "Didn't I told you last night na susunduin kita?" Nakangiting sabi niya at doon ko lang naalala. "Akala ko kasi joke lang yon." Sabi ko kaya natawa naman siya. "Ang saya saya mo naman." Inis na sabi ko nang tumatawa parin siya. Nang-iinis na naman tong babaeng to. "Syempre naman kasama na kita eh." She winked but I rolled my eyes. Pa-fall na naman siya. Sumakay nalang ako sa sasakyan niya dahil hindi talaga mabubuo ang araw ni Victoria kung hindi niya ako aasarin. "Saan tayo pupunta? May klase pa ako baka nakakalimutan mo!" Sabi ko at binatukan siya akya sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi talaga mawawala sayo ang pagiging s*****a mo no?" Inirapan ko siya sa sinabi niya. "Napakaepal mo naman. Saan nga tayo pupunta?" Tanong ko ulit sakanya at ngumiti naman siya. "Samahan mo ako mag-breakfast! Maaga pa naman oh! Five palang ng umaga eh alas-siyete pa ang klase mo diba?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman? Stalker ka no?" Pang-aasar ko sakanya kaya siya naman ang umirap. "Ang ganda ko namang stalker. Sinabi sa akin ni Solar. Bakit nga pala ang aga mo?" Tanong niya kaya nagkibit-balikat ako. "Ganyan talaga kapag maganda laging maaga." Sabi ko na ikinakunot ng noo niya. "Anong connect?" Inambahan ko siya ng suntok sa sinabi niya. "Alam mo feeling ko dahil sayo mapupuno lagi ng pasa ang katawan ko!" Reklamo niya kaya tumawa ako ng malakas. "Deserve mo yan!" Sabi ko pero umirap lang siya. "Napakaarte mo naman kasi. Sigurado naman akong naghanda ng breakfast sina Tita Sapphire gusto mo pa talagang sa labas kumain." Sabi ko sakanya. "Gusto nga kasi kita kasabay." Pa-fall talaga 'tong unggoy na 'to. Inismiran ko siya. "Bakit ba ang bilis-bilis magbago ng mood mo? Meron ka ba?" Hindi ko nalang siya pinansin at binuksan ang stereo niya at nagpatugtog. Napalunok ako nang marinig ang pamilyar na kanta. "Ang lungkot naman niyan." Natatawang sabi ni Victoria kaya napatingin ako sakanya. "Ilipat ko ba?" Tanong ko sakanya pero umiling lang siya. Tumugtog kasi ang kanta na Imahe ng Magnus Heaven. Nakaramdam tuloy ako ng awkwardness. "Yunice, if I never left that day. Ano sa tingin mo ang meron satin ngayon?" Ramdam ko ang kaseryosohan sa boses ni Victoria. "Hindi ko alam." Sagot ko dahil iyon naman ang totoo. Hindi ko alam kasi ang hirap pala umamin punyeta! "Sa tingin mo ba may possibility na ma-inlove ka sa akin?" Bumilis ang t***k ng puso ko at nagliparan ang mga paruparo sa tiyan ko. Damn you Victoria! "Don't answer it. You're straight nga pala." Kung straight ako hindi sana ako hulog na hulog sa'yong pangit ka! Mahal kita! Manhid ka lang tanga! Gusto kong isigaw sakanya pero pinipigilan ko yung sarili ko. "Ikaw din naman. It's impossible that you'll be inlove with me." Natatawang sabi ko kahit na sobra sobra na ang kaba na nararamdaman ko. "Why wouldn't I?" Tanong niya kaya nagulat ako. Napatingin ako sakanya pero naka-focus ang pansin niya sa daan. She's too serious that I can't even read her. "Because you're already inlove with my sister." Sagot ko sa tanong niya at umiwas ng tingin nang sinulyapan niya ako. "But I'm happy that you end up together." Ngumiti ako kahit na ang totoo ay nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko. Bakit kasi sa iisang tao pa kami nahulog ng kapatid ko! Kasalanan mo 'to kupido! Natawa tuloy ako. "Bakit ka tumatawa dyan? Nababaliw kana naman ba Yunice?" Inirapan ko si Victoria dahil sa sinabi niya. "Mag-drive ka nga lang diyan Lopez. Nagugutom na ako malayo ba kasi yang gusto mong kainan?" Tanong ko sakanya. "Malapit na tayo." Nakangiting sabi niya. Nawala na ang seriousness sa mukha niya. Isang breakfast cafe ang pinagdalhan niya sa akin kaya kumunot ang noo ko. Kita mo talaga itong babaeng 'to, pwede namang doon nalang siya kina Tita Sapphire mag-breakfast pero heto at nagwawaldas ng pera. Napairap nalang ako at sinundan siya sa loob. Ni hindi man lang pala ako hinintay ng gaga. "Ang bagal mo naman anong ginawa mo sa labas? Akala ko nakasunod ka sa akin." Inirapan ko siya. Basta talaga Victoria Lopez ang kasama ko lagi akong napapairap. "Wala. Sinubukan ko lang kung kaya ko tumambling habang gumagapang." Bored na sabi ko na ikinatawa niya ng malakas. Napatingin tuloy yung mga tao sa cafe kaya napahilamos ako sa mukha ko. "Siraulo ka Victoria!" Sabi ko at pinitik ang tenga niya. "Hoy masakit yon ha! Ako pa ang siraulo eh ikaw 'tong kung ano-ano ang iniisip." Sabi niya at muling humalakhak. "Ang saya saya mo naman! Tumahimik kana kita mo pinagtitinginan na tayo akalain pa nila itinakas kita mula sa mental." Sabi ko na ikinakunot ng noo niya. "Huh?" Ngumisi ako sakanya. "Huh-tdog." Sabi ko at ako naman ang tumawa ng malakas. "Masaya kana niyan? Tumigil ka nga mamaya ikaw ang pagkamalang baliw diyan!" Sabi nito. I stick out my tounge but she just glared at me. Buti nga sa'yong unggoy ka. "May I take your order ma'am?" Nakangiting tanong ng isang babae na parang sinisilaban. Malaki ang ngiti niya kay Victoria kaya napakunot noo ako. Haller, andito kaya ako! Sinabi ni Victoria ang order namin. Alam naman niya ang gusto ko kaya hinayaan ko nalang siya. "Oh kunot na kunot ang noo ah. Napano ka?" Nakangising tanong niya pero inirapan ko lang siya. Kalma ka lang Shina! Wala kang karapatan magselosー Ay teka! Hindi ako nagseselos ha! Pumikit pikit ako para iwaksi sa utak ko ang debate na nagaganap. "Pake mo ba? Atleast maganda." Sabi ko sakanya at akmang tatawa na naman nang ambahan ko siya ng suntok. "Tatawa kana naman ng malakas eh." Sabi ko kaya kunwari ay isinara niya ang zipper ng bunganga niya. "Bakit ba ang lakas ng mood swings mo? Meron ka ba?" Tanong niya kaya inismiran ko niya. Kung ano-ano na naman sinasabi ng unggoy na'to. Kinukulit lang ako ni Victoria hanggang dumating ang in-order niyang pagkain. Kasalukuyan na kaming kumakain nang biglang tumunog ang phone niya at nakita ko ang pangalan ni Kei sa screen ng phone niya kaya agad niya iyong kinuha at sinagot. Nagulat ako nang tignan niya ako sa mga mata ko kaya napaiwas ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa pagkain ko. Akalain pa niya nakiki-tsismis pa ako. "Hey baby, what's up?" I can still feel her intent stares at me kaya kahit naiilang ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at nagsimulang sumubo ulit. "Yes. I miss you too." Hindi ko alam kung anong tinanong ni Kei tsaka hindi ako tsimosa no. "I'm having my breakfast right now. Yes, i'll call you later. I love you too." Sabi nito at ibinaba na ang tawag. "Ihahatid mo din ba ako sa school?" Tanong ko sakanya at tumango naman siya. "After that uuwi na ako since walang kasama si Tita Saph sa bahay." Sabi niya kaya tumango ako. "I saw Kei's recent interview. Kailan ba yung exact na uwi niya?" Tanong ko sakanya. "Hindi ko din alam since kakasimula palang ng project niya. Maybe by January or February uuwi na siya dito." Sabi niya kaya tumango ulit ako. "Why? Hindi ba niya sinabi sayo? I think she informed your parents?" Tanong niya pero umiling ako at inubos ang pagkain ko. "Dalian mo na diyan at kailangan ko nang pumasok agad." Sabi ko nalang para iwasan ying topic. Nang matapos kaming kumain ay nagpahatid na agad ako sa school. Feeling ko may gusto pang puntahan si Victoria pero sabi ko sakanya ay may gagawin pa nga ako. Sa totoo lang ay iniiwasan ko ang tanong niya kanina. Simula nang umalis ang kapatid ko ay madalang nalang niya ako kamustahin. Ni hindi niya sinabi sa public na kapatid niya ako. Ayos lang naman sa akin iyon. My parents hid my identity dahil nga madami rin ang threats noon kaya mas pinili nilang itago ako. I don't know how they manage to keep me as their secret maybe because they're rich and they can do anything? Iba ang nakarehistrong family name sa birth certificate ko. Guevarra ang apelyido na ginagamit ko in public pero isa akong Lim. I still have a lots of secrets and lies.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD