VICTORIA. It's been what? 2 years I think? Dalawang taon na rin noong huli ko siyang makita. Dalawang taon na rin nang muli akong umalis at iwan siya and now I'm coming back again. Gaya ng mga salitang binitiwan ko noon bago kami umalis, si tadhana na ang bahala sa lahat. May mga bagay sa mundo na hindi natin pwedeng ipagpilitan kahit na iyon pa ang gusto nating kwento. Kung hindi para sayo ay matututo kang bumitaw at magparaya dahil mahirap kalabanin ang tadhana. Alam kong walang konek yung sinabi ko sa kwento ko pero bakit ba? Yun ang nasa isip ko ngayon eh. Mabilis ang t***k ng puso ko habang papalapit ang eroplanong sinasakyan ko sa Pilipinas. Dalawang taon akong walang balita sakanya at hindi ako nangahas magtanong kung may mahal na ba siyang iba sa kahit sino sa mga kaibigan namin

