A year after Kei came home. SHINA. Kasalukuyan ko nang inilalagay ang mga damit na gagamitin ko for three days sa isang backpack nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa non si Mom at Dad na nakangiti kaya natawa ako. I'll be going to La Union to see the orphanage na balak ipa-renovate ni Mom. I only have to stay for three days dahil may mga tatapusin pa akong work pero si Kei ay hindi pa sigurado. Gustuhin man nilang sumama ay pinigilan ko na sila dahil kailangan din nilang magliwaliw kahit minsan. "Are you sure you'll be okay there?" Tanong ni Mom kaya natawa naman ako. "Mom, hindi na ako baby at isa pa kasama ko naman doon si Kei kaya sigurado akong magiging masaya ang pag-stay namin doon." Natatawang sabi ko kaya niyakap ako ng nanay ko. "Okay but take care of yours

