SHINA. Natawa ako kay Venice na kasalukuyang isinasayaw ang isang baby na umiiyak. Siya rin naman ang dahilan bakit umiiyak ang bata. Tinakot ba naman niya kaya ayan at siya ngayon ang nagpapatahan. Si Thunder naman ay nagbibigay ng food para sa mga bata kasama ang mga kaibigan niya. Si Solar at Moon ay abala sa pagbibigay ng regalo sa mga bata. Ako naman ay nagbibigay ng mga boxed treats sa mga bata. "Ate Ganda?" Napatingin ako sa bata nang tawagin niya ako. I am not mahangin or what kasi ako lang naman ang nasa harap niya kaya natawa ako ng bahagya. "Yes little girl?" Umupo ako para pantayan siya kaya ngumiti siya sa akin at inilahad ang isang pirasong cookie kaya nagtaka ako. "Nakita ko po kasi na tumatawa kayo pero parang ang lungkot niyo parin kaya heto ang pagkain para hindi kan

