***
"Good Morning, have a Blessed Sunday Morning."
Fr: +639******
Napatayo ako sa higaan. WTF! Ano? Pano? Sino to?
"Good Morning din, Sino po sila?"
"Hi sorry si Mavy to, nakuha ko number mo sa record ni Ma'am, sneak peak lang hahaha."
"Ah ok, bakit ka napatxt?"
"Wala lang, gusto ko lang kamustahin ka, see you tom."
Di ko nalang nireplyan. Ano kayang trip neto? Balita ko babaero to eh. Tsk tsk! Anong problema non!?
Monday Morning...
"Hi, pwedeng tumabi? Di ko makita yung sulat sa likod eh." Agang pang bungad ni mavy. Mavy nanaman!
Eto pa pag dating ng lunch.
"Hi pwede makisabay kumain?"
"Baket/ Sure." Sabay naming sabi ni sash, sasaktan ko to eh napaka friendly ng friend ko e. Nako pahamak.
"Ah sige salamat nalang di ata ako welcome." Napahiyang sabi ni Mavy
Bago pa makaalis si Mavy sinisiko siko na ako ni sash with matching "youre rude face". Okay i give up!
" Aheem. Pasensya na, ok pwede kang makisabay." Nakayuko kong sabi
Isang magandang ngiti ang sumilay kay Mavy. Abot naman ang tusko sakin ni jihye at jane.
Si jane na bago saamin, pinsan ni zellie na nalipat sa kabilang section. Naging malapit din kay Miguel kaya panay tanong nung dalawa kung may gusto daw ba si jane doon. Nako talaga tong dalawa na to.
Many days had passed at mula ng araw na sinabay naming mag lunch si Mavy panay na syang nakabuntot samin. Nanjan yung madalas nyang pag aaya ng group hang out na minsan ay nauuwi sa parang date namin dahil sa di pag sipot nung tatlo.
So nandito ako ngayon sa robinson pababa na sana, uuwi kasi di nanaman kami tuloy biglaang back out nung tatlo. Nang biglang may natakip ng mata ko.
Hinarap nya ko sabay abot ng boquet of red roses.
"Sorry ah pero kakapalan ko na mukha ko, alam kong halata naman eh una palang." Nakayukong sabi nya habang nakamot sa ulo.
Speechless ako ngayon lang may gumawa sakin neto eh. I feel the moment.
"Halata ko naman, to be fair sige bibigyan kita ng chance, manligaw ka."
Bigla syang natulala na parang maiiyak.
"Salamat aika, hinding hindi ko to sasayangin."
Sana nga Mavy, sana nga. Sa isip isip ko.
***
Sissyyyy!
May chika nanaman to! Jusko babaeng to di ata alam yung word na tahimik eh, napaka daldal talaga.
"O anu yun?" Sabi ko.
"Mag entance exam tayo sa USTE! Ttry ko din pala humabol sa UPCAT!"
Akala ko kung ano na yung sasabihin jusko to. Pag eto kausap ko kinakabahan na nakakapang hina eh.
"Ok sige sige, may gusto pala akong sabihin sa inyo."
"Ano yon?" Sabay-sabay nilang sabi.
"Nanliligaw si Mavy." Sabi ko. Pagtingin ko sa mga reaction nila di ko masabi. Basta magulo.
Maya maya tumili sila. O diba parang mga timang! Ako nga chill lang ay.
"Ako kaya kailan liligawan ni Paco." Nangangarap na sabi ni sash.
" Asa ka, eh di nga kayo naguusap eh." Natatawa kong sabi.
"Eh kasi naman sisy ayaw nyo akong ilakad! Kayo yung close dun eh, ano ba yan pa graduate na tayo oh kahit isang hi di pa nya nasasabi sakin, nahihiya ba sya?". "Tanong mo naman sya kung bat di nya ko kinakausap, behave lang naman ak o pag katabi ko sya eh." Madramang sabi ni sash
Hay nako hirap may loka-loka na friend. At para makalma na sya...
"O sya ako ng bahala."naiiling ko nalang na sabi.
"The best ka talaga aika! Alabyu!" Niyakap yakap pa ko. Jusko kundi lang kapatid turing ko dito.
At eto ako palapit sa "super crush" ni sash. Wala eh malakas sakin yun eh.
"Oy, tapos na kayo sa activity?" Tanong ko
"Ako nalang yung hindi, di ko pa natatanong fave color ni sashna eh, nahihiya ako."
"Black at blue." Sabi ko sa kanya
"Salamat ah."
"Bat ba kasi di ikaw yung lumapit? Napapansin ko never kayong nag-usap ni sash."
Nagkibit balikat lang sya. Hayssss hopeless case na to. Bumalik nalang ako sa upuan ko para matapos na yung activity namin.
"Baked Mac? C2?". May nag lapag table ko. Pag tingin ko si Mavy pala.
"Salamat, di kana sana nag abala." Nakangiti kong sabi.
"Always welcome, gusto ko sanang mag paalam na ihatid ka sa inyo pag uwi?"
"Sure sige, sakto di ako susunduin ni daddy." Sabi ko sa kanya
Ngumiti lang sya sabay balik sa upuan nya. Habang masaya ko naman inuubos yung dala nya.
Saktong 4:00pm nag palabas si Sir. Patayo na ako ng may biglang bumuhat ng bag ko. And i know its him.
Nagulat pa ako nung pag sakay namin sa trike eh robinson yung sabi nya imbis na sa bahay namin.
"Akala ko ba ihahatid mo ako?" Pabiro kong sabi sa kanya?
"Ah eh gusto ko kasi sana kumain muna tayo bago umuwi, pero kung hindi pwede sige, manong sa..."
"Hindi ok lang. Akala ko kasi uuwi na talaga tayo, di ko alam na ganto." Putol ko sa sasabihin nya sabay ngiti.
Nakita ko naman na parang nabuhayan sya ng pag asa.
Malayo pa yung mall sa mismong babaan. Kailangan mo pang mag lakad para makarating sa robinson.
"Pasensya kana kung panay dito lang tayo sa Rob ha aika." Nahihiya ata sya sa pag kakasabi nya
"Ano kaba! Para namang may iba pang malaking mall dito sa bataan?"
Natawa nalang din sya.
Habang nag lalakad nakasalubong namin si kerby.
"Aika!" Bati nito saakin
Nagulat ako ng biglang may kamay na humawak saakin. Pag tingin ko seryosong mukha ni Mavy ang bungad.
"Ah eh ok lang. Pasnesya na ah mauna na kami." Sabi ko nalang.
Ako na ang humila kay mavy papasok ng mall sabay sabing...
"May pagkaseloso ka pala! Hahahaha."
Mas lalo akong natawa nung namula sya hanggang tenga. Mula ng hawakan nya yung kamay ko hanggang sa pauwi kami di nya na binitawan. Binitawan nya lang nung kumain kami.
"Ahm Mavy may pakiusap sana ako."
"Sure ano yun?"
"Ahm kung pwede sa court nalang ako papa baba? Hindi pa kasi alam ni tita yung saatin."
" Ok lang, naiintindihan ko." Matamlay syang ngumiti at di na nag salita pa.