***
Nasa may bench ako kasama sila jihye, sashna at zellie, naglulunch nang mapansin ko yung pag daan nila Dylan.
"O bat di nyo ata kasama si Miguel?" Tanong ko kay Dylan.
"Nako busy nanaman maagang kumain at masyadong sineseryoso yung pustahan nyo". Sagot nya sakin
Nagkatinginan lang kaming mag babarkada pag lagpas saamin nila Dylan. Napansin kong tahimik ata tong dalawa? Hmmmm?
"Tahimik nyo ata?"- tanong ko kay jihye at sashna habang kumakain.
"Ah eh kasi ano, hayyyy wag na nga". Sabi ni sash.
"Ako na nga magsasabi, gusto nya kasi ishare sa inyo yung totoong crush nya daw kaso nahihiya". Walang prenong sabi ni jihye
"Sino ba?". Sabay naming sabi ni zellie
"Si Paco". Nahihiyang sabi ni sash
"Jusko si Paco lang pala di mo pa masabi"- sabi ko sa kanya, nginitian nya nalang ako.
Matuling lumipas ang mga araw. Hanggang sa patapos na yung Junior year namin. Pa-summer na din non at bigayan na ng class report card.
Happy naman ako at pasado kami ng mga kaibigan ko. Maya maya pag labas ko para mag CR nakita ko si Miguel.
"Oy yung pustahan natin, anong average mo?" Naka ngiti nyang sabi sakin.
"89". Sabi ko sa kanya
"Opssss aheeem, 90". Sabi nya sabay wagayway ng card nya.
Potek! Natalo ako!? Noooooo! It can't be!
"Saka na ako maniningil kapag di na ko busy." Tatawa tawa nyang sabi habang paalis.
Pagikot ko naman syang salubong sakin nila sashna.
"Sinong nanalo?". Sabay-sabay nilang tanong
"Nadinig nyo naman ih". At sabay-sabay din nila akong pinag tawanan.
"Matanong ko nga, may gusto kaba don?". Deretsang tanong ni jihye. Habang nag aabang naman ng sagot yung dalawa
"Ano ba kayo! Close lang talaga kami, lahat nalang naiissue nyo sakin". Sabi ko sa kanila.
***
" Sisy kanina pa kamo nag papapansin sayo si Mavy, kanina ko pa yan napupuna." Naiiritang sabi sakin ni jihye.
Paglingon ko sa likod ko titig na titig nga, nginitian ko na din baka masabihan pang suplada.
Nagkukwentuhan lang kami habang hinihintay yung pang last na subject ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Hi, pwede makiupo? Mavy nga pala." Di ko alam kung anong gagawin ko eh saki lang sya nakatingin eh.
"Ahm Aika". Sabay ngiti ko.
Naka kwentuhan namin si Mavy ng medyo matagal ayos din naman pala tong kausap. Galing kase to sa kabilang section nalipat lang.
Maingay na yung buong klase pero wala pa din si maam yung pala absent. Jusko di agad nagpasabi. Ang ending? Syempre maaga uwian. Ciao!