XANTINA’S POV ”You said Xander called you. Bakit ka naman tatawagan ng kapatid ko para sabihin na hindi pa ako umuuwi?” nagdududang tanong ko kay Yohan habang nagmamaneho siya. “Sanay naman sila na umaga na ako umuuwi minsan. And why do you care?" Hindi ba siya naabala na sinundo niya ako ng ganitong oras dahil lang tumawag ang kapatid ko sa kaniya? Tumingin siya sa akin pero hindi siya nagsalita. Ito ang nakakapikon kapag may kausap ka tapos daig pa ang pipi at bingi na hindi nagsasalita. Napakawalang kwenta niyang kausap. “Don’t send me home,” saad ko na lang. Napalingon siya sa akin. “Sa pinakamalapit na hotel na lang.” Hindi pa rin siya sumagot kaya inisip ko na pumayag siya sa sinabi ko. Alam kong tahimik siyang tao at hindi kami madalas mag-usap dati pero ganito ba talaga siya?

