XANTINA Dumiretso na ako sa bar ko. Doon ko ginugol ang oras ko kaysa sa isipin ko pa ang pamilya ko. Inabala ko ang sarili ko buong magdamag, nakisaya ako sa mga tao sa bar. Kulang na lang ay parang nagpa-party ako at sila ang mga bisita. Nag-bartending at waitress ako. Pagkatapos ay nakisaya ako sa dancefloor. Uminom at sumayaw ako buong magdamag. Nang lumapit ako sa may bar counter ay pawisan na ako at medyo umiikot na ang mga mata ko pero kaya ko pa naman ang sarili ko. Tumingin ako sa buong paligid. Marami pa ring tao kahit ala una na nang madaling araw. “Why you look too hyper tonight?” Napatingin ako kay Noie na mukhang paalis na. Ngumiti ako sa kaniya bago ako umupo sa high stool. “Nothing. I just want to have fun. Uuwi ka na?” “Yes, may site visit ako bukas sa Batangas kaya

